Bago ang karera
Disyembre 6, 2009 2am Hougang, Singapore. Bumangon ako para siyasatin muli ang mga dapat bitbitin para sa aking unang Buong Maria race kit, petroleum jelly, cell phone, damit na pamalit, pera at kung ano-ano pa. Noong gabing yun ang pinag aralan ko ang mapa patungo sa hougang stadium kung saan ang himpilan ng bus na maghahatid sa amin patungo sa simulang guhit. Pinagaralan ko ito dahil sa gusto kong gawing warm up bago ang karera ngunit sa dahil ako ay tinamad lumabas ako at itinaas ko na lang ang kamay ko at sabay baba nito g may tumapat na taxi, binuksan ang pinto at sumakay at sabay bangit ‘Hougang Stadium uncle’.
Ika-4 kung san man kami binaba ng Shuttle Service na nasakyan ko, dali-dali kong hinanap ang Baggage Counter para ideposito na ang aking mga dalang gamit. Ilang hugis palaso ang sinundan ko at sa dulo nito ay nakita ko na ang hinahanap ko. Umupo muna ako sa isang gilid at nagmuni-muni, oras na para sa makita ang resulta ng ilang buwan ng pageensayo sakripisyo at gastos. Sa pag mumuni-muni ko ay may ilang pamilyar na mukha ako na nakita, may mga sumali ng Boy Bakal sa Cam Sur at kung sino sino pa. Matapos ang ilang seremonyas ko bago ako kumarera ay pumila na ako para ideposito ang aking gamit. Isang malaking sisidlan na plastik ang binigay sa akin para ilagay doon ang aking gamit para nga naman hindi mabasa. Pumila ako at ibinigay na ang sisidlan na plastik. Inisip ko baket ang bilis ng proseso nila hindi ako sanay ng walang pila sa Baggage Counter, sila ang naghihintay sayo at hindi na pipila pa ng mahaba.
Habang hindi pa nag sisimula ang karera ay minabuti ko ng pumunta sa palikuran para gawin ang kung ano man ang dapat kong gawin para hindi na ako magkaaberya habang ako ay nasa karera na. Muli, sa halip ang ang tao ang pumila sa mga palikuran na hindi na bago dito sa atin ay may kung ilang daang portalet ang naghihintay sa mga runner. Sobrang dami na ng mga tao ng oras na yun kaya minabuti ko na na ako ay pumuwesto na sa simulang guhit sa Tulay ng Esplanade tapat ng Fullerton Hotel na isang 5 bituin hotel na dating post office. Habang ako ay naglalakad ay nakita ko si Michelle Estuar at isa pa nyang kasama. Pinili ko pumuwesto sa pinaka unahan para hindi na ako maiipit sa likod. Pagdating ko sa pinaka unahan ay nakita ko si Ka Totoy at si Glenn Romualdo, sa wakas may kasama na ako(kahit alam ko na maiiwan ako). Habang ako ay naguunat ay nagpapalitan na kami ng mga stratehiya sa karera. Tinanong ako, Ka Totoy: ‘Nag CR ka na?’ ako: ‘Oo kanina pa mahirap ng abutin’. Sabi nila mamaya tignan mo maraming tatabi diyan para mag jingle. Iniisip ko na sana walang ganung aberya na mangyari sa akin lalo na ang pagkasira ng tiyan.
Ilang minuto bago magsimula ang karera ay nagdatingan na ang mag elite na mananakbo. May sarili silang kwadra para lamang sa kanila, at sa likod ng kwadra na yon ay doon kami nakapwesto. Siksikan na kahit 10minuto pa bago ang karera, kanya-kanyang pwesto na, may ilan mananakbo ay hindi alinta ang ibang na kahit matapakan ang paa mo at itulak ka nya ay walang pakialam. Inayos ko na ang Garmin ko at sinet ko na ito para hindi na ako maabala pa habang tumatakbo. 5minuto bago ang simula naramdaman ko na bumilis ang pulso ko, hinahampas ko ang dibdib ko para maibsan ang pagiging excited/kaba ko sa karera. ‘1 minute’ sigaw ng anouncer, tinapik ko si Ka Totoy at Glenn sabay bangit ‘Good Luck! Kita-kita maya sa finish line’.
BANG!
5, 4, 3, 2, 1, BANG!!! Nakatungo ako ng oras na yun at iniisip ko na eto na. Sakto sa tapat ng simulang guhit pinindot ko ang garmin ko. Maganda ang pwesto ko at hindi na ako nakipagsiksikan pa sa napakaraming mananakbo dahil sa unahan mismo ako. Hindi kaagad ako bumirit ng takbo dahil sa alam ko na malayo pa ang tatakbuhin ko samantala si Ka Totoy at Glenn ay hindi ko na nakita. Ilang daang metro pa lamang ay tumama yun sinabi nila na maraming tatabi sa dilim para mag jingle. Madilim pa noon pero isang mananakbo ang nakilala ko dahil sa suot nya. ‘Lester!’ ang sigaw ko, bahagyan bumagal siya at sinabayan niya ako at habang kami ay tumatakbo ay isa pang mabilis na mananakbo ang lumampas sa amin, si Mari na may ilang saglit lang ay hindi na rin namin siya nakita. Hindi rin nagtagal ay iniwan na rin ako ni Lester. Sa puntong 3km ay nakabalik na kami sa tulay ng Esplanade at sa maniwala kayo at hindi may mga mananakbo pa rin na hindi pa rin nakakapagsimula kahit mahigit sa 15minuto na ang lumipas mula nung simula.
Habang tinatahak ko Esplanade Dr. ay isang napakahabang linya ng mga tao ang nandoon para supportahan ang mga tumatakbo, ‘Go! Go! Go! All the way, You can do it!’. Tinignan ko ang garmin ko at doon ko lang napansin na mabilis ang takbo ko. Bahagyan binagalan ko ang takbo ko na hindi babagal sa 5.30min pace. Maganda ang pakiramdam ko ng mga oras na yun tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo at hindi ko na muna tinignan ang Garmin ko. Mula Esplanade dr ay kumanan kami ng Raffles Ave at kumaliwa sa Republic ave at tumungo ng Nicoll Hi-Way na kung san dito ako unang uminom ng bitbit kong Pocari sa puntong 5.5km. Madami pa ang laman ng baon ko pero nangangalay na ako kaya tinapon ko na lang eto para maibsan ang pangangalay ko. Sa kahaban ng Nicoll ay hindi pa rin maubusan ng tao para icheer ang mga mananakbo naging tulong sa akin. Tumakbo ako ng mabilis pero sinigurado kong may maiiwan pa akong lakas sa huling parte ng karera. Bago pumasok sa Mountbatten Rd ay isang himpilan ng pagkain ang dinaanan ko sa puntong 8-9km, kumuha ako ng isang saging at dali-daling sinubo para makakuha pa ng tubig.
Problemadong pardible!
Km11 kumaliwa na ang bunton ng tao sa East Coast Park. Isang tinig ang narinig ako na winika ang ‘Filepeyns go go go’, pag lingon ko ay isang lalakeng Singaporean na nasa edad 45-50 at may kasamang isang grupo. Wari ko ay isang Big Boss siya at guardiya niya ang mga kasama niya. Ginawa ko siyang target kasi alam ko na kaya kong sabayan ang bilis niya pero habang kasabay ko ang grupong eto ay isang problema ang bumagabag sa akin. Nagloko ang Garmin ko hindi ko makita ang pace ng takbo ko, pinilit kong ayusin eto habang tumatakbo na walang oras ang nasasayang sa akin. Importante sa akin na malaman ang pace ng takbo ko para alam ko kung magbabagal ako o magdadagdag ako. Sa puntong iyon ay mejo nagiisip na akong huminto para ayusin muna ang relos ko pero iniisip ko na masasayang ang oras kaya minarapat ko na tumakbo na lamang at gawing basehan na lamang ang oras ng araw na yun. Mejo nag-alangan na ako sa punto na yun at kinakapa ko na lang ang pace ko, kinukumpara ko na lang ang marker at oras ng relos. KM15 isang tinig ulit ang narinig ko ‘Go Pinoy’ nang lingunin ko ay si Junrox, panandaliang nagusap kami habang tumaktakbo. Junrox: ‘ano target time mo?’ ako: ‘sub-4 lang’ Junrox:’ang bilis mo pang 3:45 ang pace mo’ . Dito na ako mejo nabuwisit sa relos ko, pinilit ko siyang inayos pero wala akong magawa dahil sa basang basa na ng pawis ko ang Bezel nito. Ilang saglit pa ay bumirit na si Junrox at nagpaiwan na akong problemado sa relos ko.
Isang pamilyar na kasuotan na naman ang nakita ko sa unahan ko at hindi na ito tumatakbo. Pagtapat ko sa kanya ay sinabihan ko na ‘Lester tara na!’, sabay senyas niya na pinupulikat na siya. Umuna na ako sa kanya at ako ay nagiisip na ng gagawin ko para strategy ko. Hindi ko alam kung bibilis ako o magbabagal dahil sa walang kwentang relos ko. Tumakbo lang ako ng naayon sa dikta ng katawan ako, inaliw ang sarili sa mga taong nag aabang at sumisigaw ‘Go! Go! Go! All the way, You can do it!’. Doon ko rin nasilayan na ang mga pabalik na halimaw. Kada himpilan ay kumukuha ako ng tubig para ibuhos sa katawan ko at 100plus para inumin ko, walang palya ang pagkuha ko ng tubig sa kada himipilan na madaanan ko.
Problemadong problemadong pardible!!
Hindi ko namalayan ay malapit na ako sa punto na kailangan na naming bumalik at doon ko na kasalubong ulit si Glenn sabay sabi sa akin na inabot siya ng pulikat. KM21, silip sa relos, 6:50 ng umaga nagulat ako noon dahil sa sobrang bilis ko sa unang 21 ng karera. Sinabi ko sa sarili, ‘ayos may puhunan na ako’. Isang himipilan na naman ang dinaan ko at doon ay namigay sila ng Power Gel kumuha ako ng 3 nito. Simula sa punto na yun ay bahagyang binagalan ko na ang pagtakbo dahil sa malaking bentaheng mayroon ako. Ngunit makalipas ang apat na kilometro at sa puntong 25km ay nakaramdam ako na parang sasabog na ang pantog ko. Huminto ako ng oras na ako ay makakita ng palikuran para ilabas ang sobrang laman ng pantog ko. Bumalik na ako sa karera at dito ay biglang-biglang nakaramdam na ako ng pananakit sa hita ko at inisip ko na yari na ako. Sa sumunod na himipilan ay sinadya ko na huminto para maglagay na ng gamot sa aking hita. Humingi ako ng maraming nito para ipahid sa hita at binti ko at sa kabuting palad ay bahagyan nawala ang sakit. Muling tumakbo ako pero mabagal na lang dahil sa alam ko na may iniinda na ako. Dito ko rin nakasalubong sila Rico at George na hindi ko alam na tatakbo rin pala ng SCSM. Lakad/takbo na lang ang ginawa pagsapit sa punto ng km28 hangang sa umabot ako sa KM30 na kinailangan ko huminto na dahil sa pinupulikat na ako. Tumabi ako at pinilit kong itulak ang isang puno para maunat ang mga kalamnan ko. Maya-maya pa ay nagulat ako ng nakita ko mga mananakbo may dala ng lobo na may marka na 3:45hrs, napailing ako dahil alam ko na sobrang bilis ng simula ko. Pinalampas ko na lang ang grupong yun at nagpasyang hintayin ang mga mananakbong may dala ng lobo na 4hrs, habang hinihintay ko yun ay naglalakad na lang ako para magreserba na lakas. Hindi nagtagal ay namataan ko na ang lobo, ng tumapat sa akin ang may mga dala ng lobo ay pinilit ko na sumabay ngunit ilang metro pa lamang ay pinupulikat na ulit ako nagpaiwan na lang ako at nagpasyang ipahinga muna ulit at para makaresrba ng lakas. Sa punto ng km31 7:55 ng umaga 11km na lang ang nalalabi at kulang sa 3 oras na ako tumatakbo ay kinalkula ko na aabot pa sa sub4 na target ko kung mapapanatili ko na 6mins ang pace ko. Ngunit isang malaking problema na naman ang humarap sa akin, sa hindi kalayuan ay napansin ko na nagsama na ang mga mananakbo ng 21km at 42km.