Archive for TNF 100

TNF 100 Duo Singapore

Posted in Running stories, TNF 100 with tags , , , , , , on May 23, 2010 by vvinceth

Ronald: ‘Pat seat sale ngayon sa Cebu Pacific, ano sali na tayo sa TNF’

Pat: ‘Magkano?’

Ronald: ‘nasa 4k lang’

Pat:’sige book ka na’ (sabay tulog ulit)

Makalipas ang ilang buwan….

Ika-24 ng Oktubre taong 2009 sa oras na ika-4 ng umaga bumangon ako ng maaga para maghanda na sa unang karera ko sa ibayong dagat anf TNF 100 Singapore Duo.  Inayos ang lahat ng gamit ginawa na ang dapat na gawin.  Habang naghihintay kila Ronald at Iris ay npaisip ako kung matatapos ko ng Sub 6hrs ang 50kms na trail run, papaano ko aatakihin ang ruta na hindi ko alam kung ano ang meron, anong stratehiya ang gagawin ko at iba pang bagay na bumabagabag sa akin para tapusin ang karera.

Team Takbo.ph

Team Takbo.ph

Pasado ala y singko ng umaga na tumulak kami papuntang Mc Ritchie Park kung saan gaganapin ang karera.  Pinara namin ang isang taxi and sinabi namin Lornie Road, ang kalye na pinaka malapit sa park.

Uncle (manong or kuya sa atin): where is it?

Iris: Mc Ritchie Park. Where are going to Mc Rithcie Park. Lornie Rd.

Uncle: Nornie Node? aah.. Just tell me how to get there.

Iris: Ok!

Gamit ang mapa na dala ni Iris ay itinuro namin kung san kami papunta. Makalipas ang 20-30mins ay narating na namin ang park at doon ay hindi pa namin kung san kami pupunta. Isang club house ang pinuntahan namin at doon na namin nakita si Doc Eric ang malupit kong pacer ng Botak 100 at magiging pacer ko ulit sa TNF 100 SG. Nilagay na namin sa locker(1 SGD) ng club house ang aming mga dalang gamit. Isang grupo ng mga pinoy ang nakita namin dun at pamilyar ang mukha nya sa akin, hindi ko muna siya nilapitan dahil baka kamukha lang niya hangang sa lumapit na siya at di ba ikaw si Patrick MESAU?, (sabi ko na nga ba si Caloy ng Fuji Outdoor Club) Caloy tama? . Si Caloy ay isang kaibigan noong ako ay aktibong mamumundok pa.

Doc E(The ultra Pacer), Hoff Ronald, UltraPat

Doc E(The Ultra Pacer), Hoff Ronald, UltraPat

Pinoy Runners at TNF 100 SG

Team Takbo.ph Team Bibo at TNF 100 SG

Ronald, Doc E, Pat

Matapos ang photo ops ay pumunta na kami sa Simulang Guhit para masiyasat na ang aming mga gamit.

cheking gears

cheking gears

checking

cheking gears

Matapos ang timbangan at kung ano pa man ay nagpunta na kami sa simulang guhit para makihalubilo sa iba pang kalahok sa karera. Habang naghihintay ng simula ay nagusap na kami kung pano ang gagawin support at kung saan kami aabangan ng aming Ultra Pacer.

Takbo.PH

Takbo.PH

Minarapat namin magsimula sa pinakahuli na pinagsisihan namin habang nagtutuloy ang karera.  Ika-7 nag umaga ng magsimula ang karera, isang sementadong kalsada patungo sa trail ng McRitchie. Isang mabagal at mahabang pila ng mga mananakbo ang bumungad sa amin ng marating namin ang simula ng trail. Isang makipot na daan ang aming tinahak sa umpisa ng trail run. Ang plano ko na 1km run(race pace)-1km run(LSD pace) ay nasira dahil sa sobrang daming mananakbo sa unahan, isa pang sumiira sa plano ko ay ang mga ahon, kasama sa plano namin ang paglalakad o pagbagal pag may ahon.  Tila bang nangaasar ang ruta, sa tuwing handa na kami para tumakbo galing sa isang mabagal na lakad/takbo ay isang ahon na naman ang makikita namin sa unahan namin. May mga ilang beses kami ni Ronald na nagpapalitpalit ng mabilis na pace para mahataka namin ang isa’t isa. Pagkalabas ko sa Mc Ritchie Park isang sementadong kalsada(Riffle Range Road) ang bumungad sa akin, isa lang ang tumatak sa isip ko at ito ay bumawi ng nawalang oras nung nasa loob kami ng park. Ilang kalahok ang nalamapasan ko sa parte na iyon. Doon ko lang nalaman kung baket Riffle Range ang tawag sa kalsada ang iyon, literal na Riffle Range ka kasi sa tabi nito ay isang target range ng militar ng Singapore. Sa mga oras na iyon ay hindi ko na nakita si Ronald. Isang Indiano ang ginawa kong target simula noon, hindi kami naglayo ng ditansiya at sa tuwing lumalaki ang distansiya namin ay pilit kong hinahabol siya, hangang sa makarating kami sa Bukit Timah Nature Reserve na 11.5kms mark na U-turn ng mga 50kms duo at dito rin ang unang check point para sa mga 100kms duo.

Bukit, isang katangga na hangang sa makauwi kami ay hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin. Napaisip kami ni Ronald baket may mga lugar na Bukit Timah, Bukit Panjang, Bukit Batok, Bukit Bontak at marami pang Bukit. Bukit = Barangay? Bukit = Siyudad? Bukit=Lalawigan? Bukit=Bukid? ano ba talaga koyah.

Isang ahon ang bumulaga sa akin sa Bukit Timah ngunit bago pa ako magsimula sa ahon ay isang tinig ang narinig ko “Ayon oh may flag ng Pilipinas”, pag lingon ko ay mag isang grupo ng mga Pinay na inisip ko na sila ang support crew ng mga Pinoy(SG based). Isang mahabang lente ng kamera ang nakatutok sa akin habang ako ay nakangiti(syempre papahuli ba tau) at ng lumampas ako ay sumigaw sila ng “Go Pinoy”(kakataba ng puso), pabaon sa akin para sa isang matarik na ahon . Ayon sa aking garmin simula km11.44 na may elevation na 12mtrs ang ahon niya ay hangang km12.60kms at may elevation na 158mtrs at sa layo ng 1.16kms ay umakyat kami ng 146mtrs oh may pagtaas ng 1.3mtr kada 1omtr bagamat siya ay sementadong daan ito ay naging parusa. Sa sobrang tarik kailangan kong magpazigzag zigzag para mabawasan ang hirap. Marami ang tao sa lugar na iyon sapagkat magandang training ground siya dahil sa ahon na iyon at kahit matatanda ay inaakyat ang matarik na burol na iyon, sa maniwala kayo at hindi ang ibang nakakasalubong namin na bumababa ay bumababa ng patalikod dahil sa tarik (isipin niyo kun gaano siya katarik).  Habang inaakyat ko ang burol na iyon ay iniisip ko na pano ako nito mamyang pabalik? Pagod at malamang wasak na ang tuhod dahil sa 12kms pa lang ang tinatakbo namin. Magpagulong-gulong na lang ba ako hangang sa marating ang paanan ng burol?

Ang usapan namin nila Iris at Ronald ay sa Chesnut Drive na kami muling magkita para sa unang rest at dahil sa malapit lang rin sa tinitirahan nila Iris. 15 minuto bago mag ika-9 ng umaga ay narating ko na ang Chestnut Drive, ngunit hindi ko makita si Iris at minarapat ko na tumuloy na lang at hindi na antayin si Iris. Habang tumatakbo ako ay isang Taiwanese ang lumapit sa akin at nakipagkwentuhan, hindi ko maintindihan yun english niya kaya ako ay tango lang ng tango at yes lang ng yes may ilang minuto rin kaming nagkasama sa trail. Isang trail ng mountain bike ang dinaanan namin, maganda at hindi ka maliligaw sa trail na iyong tinatahak dahil lahat ay may trail sign. May pangilan ngilan na nagbabike ako nakasalubong.

3 oras matapos ang hudyat ng simula ay narating ko ang Mandai Rd. papasok kami sa isang trail na paikot at may layo 10kms . May aid station bago kami pumasok ng trail, sa aid station na yun ay napakaraming saging, tubig,100plus, at kahong-kahon na Hammer Gel inisip ko na kumuha ng marami para magamit sa ibang karera(hehehe) pero naisip ko na rin pagbalik na lang dahil wala ng mapaglagyan sa hydration bag ko at dadaan rin naman kami doon. Mabato at malawak ang dinaanan namin at walang punong pwedeng magkubli sa amin. Mainit na ng mga oras na iyon at nagsimula na akong bumagal. Isang babae kasama ang kanyang irog ang namimilipit sa sakit ang nilampasan ko, pinupulikat ang babae sa tingin ko ay hindi na kayang tumakbo pa ulit, habang pinagmamasdan ako ang mag-irog ay napuna ako na ang gamit na sapatos ng babae ay Lunar Racer. Nagulat ako na isang babae ay tumatakbo ng TNF 100 Singapore DUO gamit ang isang racing flat na sapatos, hindi ko maisip na may tatakbo ng karerang iyon gamit ang ganung sapatos.

KM 27, ang sabi ng garmin ko matapos ang isang bahagyan ahon at sa tuktok na iyon ay isang check point. Sobrang init, at kinailangan ko ng tubig para basain ang katawan ko para lumamig ang pakiramdam ko. Tatlong kilometro pa bago marating ang susunod na aid station sa Mandai Rd na kung saan ay doon rin kami pumasok. Dito ko naramdaman ang sobrang pagod at minarapat ko ng magpahinga. Naramdaman ko na rin na Wall na ako sa mga oras na iyon. Habang nakasalampak sa ay may ilang mga mananakbo na pinipilit na ako tumayo para tumakbo muli at matpos ang ilang minuto ay nakabawi ako at bumalik na sa pagtakbo.

KM 3o, sa wakas aid station dali-dali ako dumampot ng isang boteng tubig at pinaligo ko sa katawan ko. Isang volunteer ang tumulong sa akin, kuniha niya at bote at ibunuhos ang tubig sabay ‘Kuya ang galing niyo, tapusin niyo yan’ pilipina pala siya. Nagtanong siya kung san kami nakatira sa akalang sa Singpore kami nakabase, matapos ko sagutin na galing kami ng Pilipinas at pumunta lang kami ng Singapore ay nagulat siya ‘Pumunta kayo dito para lang magrace? Grabe kayo’. Matapos maligo at bahagyang lumamig ang katawan ay binaling ko ang sarili ko sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain kumuha ako ng 2 saging at hinanap ang kahong-kahon Hammer Gel na sa mga oras na iyon ay ubos na sayang dapat kumuha na ako para hindi na naubusan.  Kumuha ako ng isang boteng tubig para ibaon dahil 5km pa ang susunod na aid station, kailangan ko ng tubig para ipang buhos sa katawan ko dahil sa sobrang init.

Dalawangpung kilometro na lang ang kailangan ko takbuhin para matapos ang karera. Babalik kami sa trail/ruta na dinaanan namin nung una para sa katapusang guhit.  Sa hindi kalayuan sa aid station ng Mandai Rd isang mountain bike ang nakita kong may watawat ng Pilipinas, ‘Sir ano po kailangan niyo may gatorade at mga pagkain kami diyan’. Huminto ako at tinanggap ang tulong nila, sobran laki na pasasalamat ko na ako ay isan Pinoy na kahit saan ako pumunta ay may tutulong sa akin. Kaibigan sila ng kaibigan ko na sa Singapore na rin naka base, ang liit talaga ng mundo. Matapos magload ng Gatorade at saglit na kwentuhan ay bumalik na ako sa pagtakbo. Mainit at walang hangin, sapat na ito para pabagalin ako ng husto. Takbo pag walang lilim at lakad ng sanadali  pag may lilim at malamig, buhos ng tubig sa katawan para lumamig ang pakiramdam. Dito ko na rin nakasalubong ang mga solo runners na tumatakbo para sa kanilang pangalawang loop grabe ang lakas nila hindi mo makikitaan ng pagod sa kabila ng init.

Bago ko marating ang aid station isang grupo ng mga support ang naghihintay para sa kanilang mga kaibagan na tumatakbo rin ang nasilayan ako at isang kamera ang naka tutok sa mga dumadaan. Sinigawan ako nila ako SMILE, ngiti naman ako pagtapat ko sa lamesa nila ay inalok nila ako ng pagkain at tubig na tinangihan ko dahil alam ko na nandun rin ang support namin na si Iris. Naglalakad na lang ako noon ng makita ako ni Iris, sinalubong ako at inalalayan patungo sa lugar kung nasaan ang mga supplies namin. Saging, itlog ang nilantakan ko noon habang minamasahe ni Iris ang hita at binti ko. Naalala ko noong tumakbo ako sa Botak 100 na kung saan ay minasahe rin ako ng ate niya na si Marga sa pagkakataon na iyon ay siya naman. Gumaan ang pakiramdam ko noon at matapos ang ilang minuto at nakaramdam na ako ng lakas muli para tumakbo.

Team Takbo.ph Aid Station Manned by Iris

Team Takbo.ph Aid Station Manned by Iris

itlog

Resting after 35kms

pprrffttt

pprrffttt

Ready??

Ready??

15kms na lang ay matatapos ko na ang unang karera ko sa ibayong dagat. Isang babae ang naging target ko,  maganda ang katawan at maganda rin ang mukha. Hindi dahil sa maganda siya, ito ay dahil sa nachallenge ako sa kanya. Hindi mo aakaling tatakbo siya ng 50kms na trail run sa ichura niya hindi ako papayag na mauna siya sa aking sa katapusan guhit. Malakas pa siya, hindi ako nagpapaiwan sa kanya at kung maiwan man ako ay siguradong tanaw ko pang ang LIKOD niya. May mga oras na nagpapahinga siya dito ako tumatakbo ng mabilis para maiwan ko siya ngunit hindi ko pa rin siya maiwan, maglalakad lang ako ng saglit ay makikita ko na siya agad na nilalampasan ako. Hangang sa marating namin ang support crew niya, huminto siya dito at habang dumadaan ako sa tapat nila ay inalok rin nila ako ng tubig at pagkain na tinangihan ko na rin. Doon ko na siya huling nakita. Mababait sila hindi sila namimili kung sino man ang tutulungang kahit ibang lahi ka pa ay tutulungan ka nila.

Sa huling parte ng karera ay nakaksabay ko ang pangilaningilang TNF50 duo runners, ang iba ay naglalakad at ngkikipagkwentuhan sa kanilang kateam ang iba naman ay nakaupo sa tabi at nagpapahinga may mga animong bata lang na naglalaro sa kalsada na akala mo eh hindi kasali sa karera pero madalas na akong magisa sa trail at para maaliw ako ay kumakanta na lang ako (‘I wanna love you, and treat you right’) dito ko na rin naramdaman na pupulikatin ako. Tuwing ako ay tumatakbo ay nagbabanta ang binti ko ng pulikat, napiltan ako lakarin na lang ang huling 5km ng karera at nanggigil ako sa sarili ko dahil sa hindi matulungan ang sarili ko. Tuwing may lalampas sa akin gusto kong habulin pero dahil sa pupulikatin ako ay ninais ko na lang maglakad. KM 46 ng matangap ang mensahe ni Doc Eric na nagaabang na sa Mc Ritchie para salubungin kami, tinatanong niya kung san banda na ako naroroon. KM 47 naubos na ang baterya ng Garmin gusto ko malaman kung gaano pa kahaba ang tatakbuhin/lalakarin ko. Naiinip na ako hangang sa may nakita sa hindi kalayuan na isang matangkad na lalake na pasalubong sa akin, nang makita ko ng malapitan ay si Doc Eric na pala. Sinalubong na niya ako, huling dalawang kilometro na lang at sinasabihan niya ako na malapit na ang katapusan guhit at dahil dito ang namotivate ako para tumakbo pero dahil sa pupulikatin ako ay muling naglakad na lang ulit ako (makulit kasi). Sa kanan ayi sang golf course sa kaliwa ay isang lawa gusto ko sana lumublob pero baka malalim eh, matatanaw mo ang ibang mga runnner na nasa unahan mo at isa isa ko silang hinabol pero alalay pa rin dahil sa pulikat.

Huling 500 metro ng karera ay pinilit kong tumakbo pero sinabihan ko si Doc Eric na hindi na kagaya nag Botak 100 mahirap maospital sa Singapore. Mabagal at parang pilantod ako na tumatakbo noon kasabay ang Ultra Pacer na si Doc Eric. Habang papalapit ng palapit sa katapusan guhit ay dumadami na ang tao na nagchicheer sa akin, may isang grupo ng mga Pilipino ang sumisigaw na ‘Go Pinoy’ at pumapalakpak pa sila natuwa ako at bahagyang binilisan ko ang pace  at hindi naglaon ay natanaw ko na arko sa wakas.

Makalipas ang 7hrs at 51 mins ay natapos ko na rin ang TNF 100 Singapore Duo. Matapos ang ilang minuto na may oras na 8hrs 15mins ay si Ronald dumating.

Isang karangalan para sa akin na makatapos ng TNF 100 at ang tagumpay na ito ay hindi namin makakamtan kung hindi dahil sa mga tumulong sa amin Iris, Doc Eric. Muli isang pasasalamat ang handog namin ni Ronald.

ARAL: Dont under estimate any race even if it is a 3k race. (nald nakalimutan ko ilagay eto)

Ang istorya ni Running Safety Pin sa TNF 100 (ikalwang bahagi)

Posted in Running stories, TNF 100 with tags , , , on June 19, 2009 by vvinceth

Matapos ko maibigay ang 5 bracelet ko sa marshall ng basecamp ay dali-dali ako pumunta sa Gatorade tent para kumuha ng (cyempre gatorade) Gatorade at sa tabi nito ay kinuha ko na rin ang aking gamit. Umupo ako sa gilid at nag ayos ako ng aking sarili, pinatuyo ang paa, naglagay ng Gatorade sa hydration, nagpalit nga damit (Takbo.ph singlet), nagpunas ng katawan. Habang nagpapahinga ako ay kumukain na rin ako ng aking baon na energy bars. May nakilala rin ako mga solo 100 runners si Miles konting kwentuhan habang kami ay kumakain. Habang nasa basecamp ako may ibang relay runners na lumalak-lak na ng isang malamig na san mig light habang ako naman ay nagiisip kun pano ang gagawin ko sa 2nd loop. Inisip ko na delikado kung ako lang magisa ang titira sa 2nd loop and mauubos naman ang oras ko kun hihintayin ko pang ang ibang kasama ko dahil sa wala akong ideya kung nasaang parte na sila.

Pasado alas kwatro na ng maisipan ko na magsimula ng 10k road run at dahil na rin sa mejo makulimlim na ng mga oras na yun. Hindi pa ako nakakalayo sa basecamp ng makasalubong ko si Retz at magsimulang pumatak ang ulan at hindi nag laon ay bumuhos na rin ang ulan. Habang tinatahak ko ang dating ruta ng New balance race sa Clark ay may mga nakakasalubong ako ibang runner na patapos na ng kanila 10k road run. Napatingin ako sa langit at naisip ko muli ang tatlong letra DNF, tinignan ko ang bundok na dadaanan kong muli sa 2nd loop at nakita ko ay isang maitim na ulap na yumayakap dito at napatungo na lang ako at muling pumatak ang luha mula sa aking mga mata at inisip ko na lang na tapusin ang 10km at umayaw na sa karera. Nakasalubong ko si Neville ng PUR at sinabihan ako ng 2kms na lang pra sa MP24 sabay sabi ng “go go go”. Malakas ang hangin pansin ko sa mga sanga ng puno na parang mababali ang sanga habang hinahampas ng hangin, pumasok muli sa isip ko ang tatlong buwan na training na mapupunta na lang sa wala at ang mga kaibigan kung umasang makakatapos sako (shet ang drama ko na…). Nakatungo ako na naglalakad sa gilid ng kalsada habang umuulan.

MP24 inabot sa akin ang unang bracelet para sa 2nd loop tumila na ang ulan at ako ay muling naglakad patungo ng basecamp. Habang ako ay naglalakad ay naka salubong ko si Denz at sumenyas ako na parang ginigilitan ako ng leeg dahil sa suko na talaga ako, pansamatala akong huminto at nagusap muna kami. Kinamusta ko kung nasaan na ang iba naming kasama “mejo malayo pa dumerecho na ako hindi na ako dumaan ng basecamp” at ng may huminto na van sa tapat namin “Sir kelan kayo huling dumaan ng marshall point”“ako kadadaan daan ko lang eto papunta pa lang, Sir anong meron”-“may kumosyon kasi sa basecamp eh”. Lalong napagtibay na ang DNF ko sa TNF 100, kinutuban na ako ng ang tinutukoy nya na kumusyon ay ang pagtigil ng karera dahil sa malakas na ulan.

TNF 100 ruined by a twister

TNF 100 ruined by a twister

Pagdating ko sa basecamp (mga bago mag 6pm) ay tumanbad sa akin ang maraming tao at ang arko ng START/FINISH ay wala na at inisip ko na binaklas nila eto dahil sa itinigil na ang karera. Nakita ko na ang iba namin kasamahan sa basecamp si Isko, Rico, at Glenn at sinabi sa akin na nakahold raw ang race dahil sa may ibang bahagi ng ruta ay hindi madaanan, hindi malaman kung itutuloy o ihihinto na ang karera. Nagpahinga na lang muna kami at ang iba ay nagbihis na lang at inisip na hindi na tuloy ang karera at sa puntong iyon ay inisip ko na tapos na ang karera ko. Muli ako pumunta sa Gatorade tent para magcheck-in kailangan raw kasi yun para sa timing. Habang kami ay naghihintay ng anunsyo ay nagkwentuhan na lang kami at kaya pala wala na ang arko ay dahil sa ito ay itinumba ng isang ipo-ipo. Lahat kami ay may tanong na itutuloy pa o hindi na (deal or no deal) kung sakaling ituloy pa ng organizer ang karera, lahat ng tinanong ko ay hindi na raw tutuloy. Hinanap ko ang iba pa naming kasama sila Ronald, Atty, George sabi ni Isko ay mejo malayo ang distansya nila. Hindi nagtagal ay ay dumating na si Denz at malaon ay sila Ronald at doon pa lang nabuo muli ang aming grupo.

“Announcements!!”, “Lahat ng white na bracelet on this side and lahat ng wala on this side” (pag may white bracelet natapos na un 10km road run at 1s loo p pag wala 1st loop pa lang). Nakgawa ng isang magaling na magic ang organizer para maidivert ang ruta at hindi na dumaan sa isang bahagi na delikado. Sa halip na dumaan pa ng MP10, MP11, MP12, MP13, MP14 mula sa AS2 ay dederecho na agad sa AS3 at ang mawawalang ruta na iyon ay papalitan ng pagtakbo muli sa 10km road run. Binigyan ng kalahating oras ang mga runners na gusto pang tumuloy para mkapaghanda. Isa isa kaming nagtanungan kun sino sino ang tutuloy at wala sa grupo namin ang gusto pang tumuloy.Napaisip ako kung tuluyan ko ng ihihinto ang karera, ang hirap na dinanas ko ay madodoble pa lalo dahil sa gabi na at sobrang pagod. Sa isang banda ay naisip ko ang mga kaibigan ko na nag aksya ng load para lang ipursuge ako tumuloy sa karera, ang 3 buwan ko na pagtetraining at ang minimithi ko na matapos ang prestihiyosong TNF 100.

Nabuhayan ako ng loob at muli ako nagyaya na ituloy ang karera. Si Isko ay desidido na hindi tumuloy, si Ronald ay pumayag nung una pero nagpasyang hindi na rin tumuloy, si Atty ay hindi na rin tumuloy at ang mga tumuloy na lang ay si Rico, Glenn, at George sila ang mgakakasama dahil kinailangan nilang tumakbo pa ng 10k road run samantala si Retz, Ralp, Gene ang magkakasama nauna sila kasama ang iba pang mga gustong magpatuloy kami nila Chris, Denz ay sumunod na lang dahil hinintay pa namin si Denz para ayusin ang mga gamit nya. Pasado 7.30 na kami nagsimula at medyo may 15-20 mins na pagitan kami sa grupo bila Gene. Pansin na namin ang p agod ang isa’t isa si Denz ay parang hinihila niya na lang ang kaliwang paa. Nanghiram na ako kay Isko ng treking pole dahil sa alam ko na kakailanganin ko e2 sa mga matarik na ahon namin. Habang kami ay naglalakad na papuntang AS1 naririnig ako ang cell phone ko na may mga pangilan ilan na nagtetext. Nagkukwentuhan na lang kami para aliwin ang aming mga sarili. Habang papalayo ng papalayo kami papuntah sa AS1 ay napapansin ko na may trail na hindi na namin nadaan nung una. Feeling ko ay naliligaw na kami ng mga oras na yun. Sinabihan ko na lang ang mga kasama ko na baybayin namin ang kanang parte ang ilog. Napansin ko lang na habang pumupunta kami sa bandang kanan ay lagi kami napapadpad sa gitna pag kami ay naglalakad. Dinapuan na ako ng antok, isama mo pa ang pagod at mahirap na trail. Naisip ko ang sinabi ni Ronald nung una siya sumali sa TNF 100 sa Nasugbu na madedemotivate ka raw pag alam mo kun gaano kahirap un dadaanan mo at sa puntong iyon ay ramdam ko na yun. Humihinto ako pra ipikit ang mga mata ko para lang makapagpahinga at syempre kailangan rin huminto ng dalawa para hintayin ako. Sinabihan ko sila na matulog muna kami bago umakyat ng AS2 dahil sa hindi ko na talaga kakayanin pang magpatuloy. Matapos ang 2 oras na paglalakad ay narating na namin ang ilog, hinubad ko ang sapatos ko at naglakad lamang ng nakamedyas, ayaw kong mabasa ang sapatos ko. Binaybay namin ang ilog at nakasalubong ang grupo nila Gene at maya-maya pa ay narating na namin ang AS1.

wated

wasted

Mga 10pm pasado na kami nakarating dun at medyo nagpahinga muna kami at inalok ng mga marshall ng tubig at pagkain. Pabiro ko silang sinabihan na “pwede bang matulog dito” matapos ang ilang saglit ay binaybay na muli namin ang ilog at matpos namin matawid ang ilog ay pansamantalang nagpahinga kami para magsuot muli ako ng sapatos.Isang tawag ang natangap ko habang ako ay nsakalagitnaan ng aming pagtulog sa MP7, “Pat san ka na”-“natutulog kami ngayon”-“saang hotel kayo natutulog”-“sa trail kami natutulog”-“adik ka Pat”. Si Danno ang tumawag akala nya eh sa hotel ako natutulog. Nilalamig na kami ng mga oras ng at maya-maya pa ay nag-alarm ng ang cell phone ko at iyon ay hudyat na para kami ay magsimulang maglakad muli. Dumaan kami muli sa MP8 at MP9 lahat ng mga marshall ay natutulog na ta kainailangan pa namin silang gisingin para makapag log kami. Narating rin namin ang AS2 bahagyang nagpahinga muna kami bago kami dumaan sa bagong ruta. Madilim ang dinaan namin mula AS2 patungong AS3 bagamat isang mataong lugar iyon. May nabangit si Chris na kung ano ano na araw ang nagiging imahinasyon nya sa mga aninong nakikita nya samantalang ako ay sobrang antok na at umaabot na sa puntong huminto na lang ako at ipinapantong ko ang noo ko sa handle treking pole. Nilalabanan ko na lang ang antok sa pag inom ng Gatorade at pagkain ng GU gel.

Pasado ala-una ay nkarating rin kami sa AS3 dun na rin namin naabutan ang isang runner na nagquit dahil sa may naramdaman na siyang hindi maganda. Muli kami naglatag ng garbage bag para kami ay matulog.Ala-una y medya ang muli kaming magsimulang maglakad patungong MP15 para tumawid ng ilog at muling akyating ang matarik na ahon patungong MP16. Hindi mawala ang antok sa akin at kailangan ko uminom ng uminom para lang ako ay magising. Bandang alas-tres na ng marating namin ang MP16 at hindi na kami nagpahinga bagkus ay dumerecho na kami sa MP17 at pagdating namin ang MP17 ay niyaya ko sila na doon na lang matulog dahil sa hindi ko na kaya pang labanan ang antok, “malapit na un AS4, dun na lang tayo matulog”. Binaba namin ang matarik na trail patungo sa MP18 kailangan namin humawak sa tali kasi “I miss you die” at pag dating ng MP18 ay kinailangan namin muling mang gising katulad sa mga ibang MP na nadaanan namin. Wala nang isang kilometro para ang hinihintay ko na AS4 at pasado alas kwatro ay narating rin namin ang AS4. Muli kaming nagayus ng aming mga gamit at kumain kasama pa ang ibang mga runner. Matapos naming ayusin ang dapat ayusin ay muli kaminn sumalampak sa isang tabi para matulog.

Alas singko ng umaga muli kaming ginising ng cell phone ko. Huling pagaayos bago kami tumulak sa huling 25km ng karera. Habang kami ay naglalakad ay nagkukwentuhan ay nabangit nila na hindi raw sila masyadong nakatulog dahil sa lamig at dami ng lamok pero hindi ko eto napansin dahil sa sobrang antok ko. Patungong MP19 ay mejo naiiwanan na nila ako dahil hindi na ako makasabay dahil sa sobrang antok ko. Dinaanan namin mulin ang barangay na nadaanan namin noong unang tanghali at may mga nagtanong “hindi pa ba tapos ang marathon”-“hindi pa po baka kami na po ang huli”. Narating namin muli ang MP20 at doon ay tanaw namin ang Sacobia bridge at ang mga 10k at 20k runners. Sobrang antok ko na at muling pumasok sa isip ko na sumabay na lang ako doon sa mga 10k runners pra dumerecho na lang sa basecamp at hindi na tapusin ang karera. Dinukot ko ang GU sa hydration ko at kinain eto, buti na lang ay may caffeine yun GU para ako ay magising kasi naglalakad na ako ng nakapikit. Dumaan kami sa MP21 at sa huling pagkakataon ay tinawid namin ang huling ilog sa karera na iyon para maratin g ang MP 22 at baybayin muli ang SCTEX sinubukang kong takbuhin ang SCTEX pero hindi na talaga kaya ng katawan ko 50m pa lang ay sumusuko na ako. Unti unti na kami naghihiwalay nila Chris at Denz, si Chris ay mejo nauna na sa amin at si Denz ay mejo ilang metro lang sa likod ko. Pagdating namin sa kabilang dulo ng Sacobia bridge ay may water station dun pra sa mga 10k at 20k runners huminto muna ako dun pra magbuhos dahil sa sobrang init na bagamat 8am pa lang noon.9am ng marating ko muli ang basecamp, ang ibang mga runners ay nagtataka baket sobrang dungis na namin baka hindi lang nila alam siguro na 100k ang tinakbo namin.

Pagadating ko sa basecamp ay naghanap ulit ako ng malamig na tubig para ibuhos sa katawan ko. Maya-maya pa ay dumating na rin sin Denz at si chris ay dumrecho na sa 10k road run. Iniwan ko ang hydration ko at kumuha ng 2 boteng tubig at nglakad na muli para tapusin ang huling 10k ng TNF 100. Sa umpisa ng 10k road run ay na kasalubong ko na ang ibang mga runner na nakasabay namin. Bago ko pa marating ang kalahati ng 10k road run ay naubos na ang tubig ko at natanaw ko na sa likod ko si Denz hangang sa narating ko ang huling MP at nakasalubong ko na pabalik na si Crhis. sa MP 24 ay hinintay ko si Denz para humingi ng extrang tubig. Iniisip ko na baka maHeat stroke ako pag naubosana ko ng tubig. Binigay ni Denz ang extrang tubig nya at muli na kaming naglakad pabalik ng basecamp huling 5km ng karera. Nauna si Denz at nagpahuli na ako dahil hindi ko na kaya at masyado ng mainit at naubusan na ako ng tubig.Habang naglalakad ako sa gitna ng init ay may mga sasakyan na huminto at binaba ang binta nila sabay “GO GO konti na lang kaya mo yan”, ang iba naman ay bumusina at tila bang sinusuntok ang hangin. Nainspire nila ako at inipon ko ang huling lakas ko at muling tumakbo. Inabutan ko si Denz at muli kami naglakad ng sabay sa init. Maulap naman noon pero wala kahit isang ulap ang tumabon sa sinag ng araw para kami ay masilungan. Talagang sinusubukan kami ni haring araw, wala na kaming tubig para maibuhos sa katawan namin isang gatorade na lang at itoy pinagsaluhan namin ni Denz. Muli kong inipon ang huling lakas ko para sa finishing kick ko. Tirik na araw, walang tubig, at pagod na pagod ng tinakbo ko ang huling 1.5km ng karera hindi ko na inisip na magcollapse ako sa init or maheat stroke.

10:06 am ng May 24, 2009 ay natapos ni Running Safety pin ang TNF 100 Ultramarathon at ito ang unang ultramarathon na sinalihan nya at simula ng pagiging adik sa pagtakbo ng malayo.

TNF 100 Finisher

TNF 100 Finisher

Ang istorya ni Running Safety Pin sa TNF 100 (unang bahagi)

Posted in Running stories, TNF 100 with tags , , , , , on June 2, 2009 by vvinceth

The Running Safety Pin @TNF 100

Sakto ika isa ng umaga ng mag alarma na ang aking cell phone.  Ako ay bumangon at kumatok sa kabilang kwarto para gisingin sila, pero hindi na pla kailangan dahil sa sila ang hindi ata natulog.  Pumunta ako sa kantina pra silipin kung nakahanda na ang aming agahan at pagkarating ko doon ay napansin ko na agad ang mga plato na nagalalaman ng aming agahan na nakasalansan. Bumalik ako sa aming kwarto pra sila ay sabihan na ang aming agahan ay naghihintay na. Bumangon na ang lahat at nagsipag ayus na ng kanilang mga sarili pra sa agahan.

before TNF 100

before TNF 100

The Running Safety Pin before the TNF 100 Start

The Running Safety Pin before the TNF 100 Start

Ikalawa at kalahati ng umaga ng dumating ang kaibigan ni Ronald na ngmagandang loob na kami ay ihatid mula sa aming official hotel papuntang basecamp.  Makalipas ang ilang minutong byahe ay nkarating na kami sa basecamp wala pang alas-tres ng umaga ng mga oras na iyon at iilan-ilan pa lamang ang mga tao dun. Matapos na kami ay magpacheck ng aming mandatory equipments ay dineposit na namin ang aming gamit sa baggage counter. Streching dito streching dun, picture dito picture dun, “uy pre good luck sa atin”, “pre kita kits sa trail” mga eksena habang hinihintay ng gunstart. Nakpwesto kami sa unahan para sa mga photo ops maya maya pa inawit na ang “Lupang Hinirang” at nag simula ang ang countdown.  Huling check ng mga gamit blinker, headlamp, hydration may tubig ba, nakasintas ba ng maayos ang sapatos at huling .  Count down na 10 – 9 – 8 – 7 – 6 – 5  (eto ang un 3 months na pinaghirapan ko at wala ng atrasan eto) 4 – 3 – 2 – 1  TNF 100 is off…….

sacobia-sitio-map

TNF 100 Map

Ako, Denz, Glenn ang unang magkakasama from basecamp papuntang tulay ng Sacobia,  1km ang layo nya at ito ay sementado na kalsada at tumatakbo kami sa pacing ng 6mins pag pasok namin sa ilog ay mejo dun na nagsimulang bumagal ang pacing namin (8mins) .  Madilim pa ng mga oras na iyon mahirap makita ang mga trail signs na magtuturo sa amin ng mga direksyon ang tanging ilaw na makikita mo ay ang ilaw ng mga headlamp at ang mga reflector ng sapatos, hydration.  Hangang sa nakakita ako ng mga ilaw na pabalik, isa lang ang dahilan kung baket sila bumalik at iyon ay ligaw. May sumisigaw “ilabas nyo ang trail sign” ang iba naman ay sunod lang sa agos kung san ang marami sunod lang (kasama na ako) makalipas ang paghahanap sa mga banderitas ay nakita na namin ang tamang daan at hala bira ulit. Mabuhanging ang riverbed sa umpisa ay naiirita ako sa mga buhangin na pumapasok sa loob ng medyas ko dahil sa wala akong gaiters pero nasanay na rin. Bandang 7-8km, ang tubig ay lampas na ng sakong at sigurado na mababasa na ang sapatos mo. Hinto, Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa walang ng ibang daan kundi ang  daan na nsa harap ko (shit ayaw ko sana mabasa ang shoes ko pero no choice, charge!!!!). Humigit sa 1km ang haba ng daan na yun na lubog ang aking paa tubig.  Sa puntong iyon ay hindi ko na makita sa likod si Glenn at Denz at sa unahan ko ay nkita ko si Retzel (quixilver).

Matapos ako magtampisaw sa tubig ay narating ko na ang Haduan Loop na tinatawag nila. Simula na eto ng kalbaryo ko sa TNF 100. Pag pasok ko sa Haduan Loop ay fresh pa ako at sa tancha ko ay 8-9mins ang pacing, may 3 oh 4  ilog ako natawid at ilang matinding ahon rin ang nadaanan ko sa loop na yun at dun ko rin inabot si Christian(Infinity). Sa sobrang tarik ng mga ahon sa loop na iyon mejo naubos ako hindi ko naman mabawi sa pababa un nawalang oras ko sa ahon dahil sa sobrang delikado para sa akin kung magmamabilis ako at baka damputin ako derecho sa baba. Kulang ang sa isang oras ang inabot bago ako makalabas loop na yun, nakita ko ang sirang tulay na dinaanan rin namin noon bago pumasok sa Haduan loop at sa kabila ng tulay ay ang AS 1. Tanaw ko pa si Retz ng mga oras na yun at may mga ilan pang runners, takbo ako ulit papunta sa AS2 pero bago ako makarating ng AS2 ay kinailangan ko munang dumaan sa MP7, MP9. Sa MP7:  “sir ano number nio” , “6476, kuya san un daanan”, “sir yun paakyat na trail na yan derecho lang”. Isang ahon na naman siya at sa oras na eto ay ramdam ko na ang pagod panay ahon ang may pangilan-ilan patag. Pasado alas-syete ng marating ko ang AS2, nagpahinga muna ako at doon ay kumain ako ng para mapalitan ang mga enerhiyang nawala sa akin. Makalipas ang limang minuto ay nag ayus na ako at muling naglakad(wala na akong powers pra tumakbo naubos sa Haduan Loop) sa isang mahabang trail at mejo patag, mapuno at malamig ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad sa kawalan ay narinig ako ang cell phone ko, dinukot ko sa aking hydration at sinagot ko ang tawag. “Pat kamusta ka na” ang sabi ng aking kaibagang tatlong beses nabigo sa pagibig, “ok naman nasa KM 20 na ata ako” – “Pat galingan mo cause I’m proud of you”“Salamat subukan kong tapusin”“Good luck Pat”. Matapos ang maigsing usapan ay nakita ko ang mga text message nila sa akin na nagsasabing galingan ko, tumaba ang puso ko sa mga mensahe nila (pero ako hindi pa rin tumataba) at lalo ako napush tumapos. Narating ko ang MP10 matapos ang mga kalahating oras ng lakaran at muling naglakad at paminsan minsan ay tumtakbo.

Isang baril ang kita ko sa daan at ako ay kinabahan sa puntong yaon, biglang isang army ang bumati sa akin sabay bati na rin ako “Magandag umaga po” at ng makaraan ako ay nakita ko pa ang iba nyang kasamahan Full Battle Gear sila. Nagmadali akong lampasan sila sa isip ko na baka biglang magkaroon ng enkwentro, hindi ko malaman kung pano ako dadapa nun at malamang tapos ang karir ko. Sa isang ilog nandun ang MP11, ngpahinga ng konti ang nagtangal ng buhangin sa aking sapatos. Isang walang puknat na ahon ang dadaanan ko pra makarating sa MP 12 inabutan ako ni Gin sa parteng iyon. Pasado alas-nwebe na yun at ramdam ko na ang init, matapos ko marating ang tuktok ng ahon na yun ay nilabas ko na ang aking munting sombrero at arm guard pra proteksyon ko sa init. Sa MP12 binigay sa akin ang unang bracelet,  sa di kalayuan ay tanaw ko ang mga naunang runner at ang trail(ridge) na sobrang expose sa araw. Grabe ang init, naubos na ang tubig na baon ko na pangbuhos sa ulo at katawan ko nagkita kami ulit kami ni Chris sa sa ridge at doon ay nagkwentuhan kami habang nglalakad kasama pa ang isang runner na hindi ko nakuha ang pangalan. May nakasalubong kaming marshall at nagtanong kung malayo pa ang susunod na MP sabay turo nya ng trail na kung saan ay papababa at sabay bangit nya na “pagbaba nio sir may ilog MP 13 na un” nauna na si Chris at ako ay humabol na lang. Nakarinig ako ng agos tubig, senyales na may ilog at hindi naglaon ay nakita ko ang ilog. “Pat e2 na un hinihintay mo” sabi ni Chris na nakaupo sa gilid ng ilog at nagtatampisaw pero bago ako makitampisaw sa ilog ay dumaan muna ako sa MP 13. Nilinis ko muli ang sapatos, nagtangal ng mga bwisit na buhangin, at sabay naligo. Matapos nun ay iniwan ko na si Crhis ng naliligo at nagsimula na ulit ako lumakad-takbo sa isang patag na trail sa gilid ng ilog. Isang ilog muli ang tatawirin ko para marating ang MP14 at pagkarating ko sa ilog na yun natanaw ko na agad ng marshall ng MP14 hindi na ako lumapit sa kanila bagkus ay isinigaw ko na lang ang numero ako.

Barangay San Martin ang nkakasakop sa lugar ng MP14 at maraming nakatira dun, habang ako ay naglalakad ay halos lahat ng makasalubong ko ay napapatingin sa akin at pakiwari ko ay tinatanong nila ang sarili “san kaya nangaling eto”, “ano kaya ginagawa nito rito” ang iba naman ay nagatatanong “San nagsimula ang marathon” (at least aware siya na may event) at may sumigaw pa na “kuya halo-halo” nginitian ko na lang siya kasi baka maya eh masira ang tiyan ko pero inisip ko na pwedeng un yelo na lang ilalagay ko sa katawan ko. Isang grupo ang nakita ko sa hindi kalayuan at nang tumapat ako sa kanila ay sinabi “sir konti na lang AS 3 na, go go go” mejo nabuhayan ako ulit at mejo tumakbo ng konti at sa wakas AS 3 na.  Sa AS3 ay nag check in ako muli at kumuha ng tubog sa bahay buhos sa ulo at katawan. Nagpahinga muna ako sa isang papag at kumain na rin dahil mejo naramdaman ko na ng gutom sa oras na yun pasado alas-dyes na rin kasi yun. Maya maya pa ay tumayo na ako at muling naglakad pababa sa MP 15  at ang isang marshall dun ay kilala ko pa siya at naging instructor ko sa Power Up Pasig si Tom. “Man Solo or Relay” “Solo”“Pat ang lupet mo solo ka”-pabiro kung sinabi “papakamatay na ako”. Habang naguusap kami ay natatanaw ko ang iba na umaakyat, sa isip ko “shit paahon na naman” tumawid na ako ng ilog para simulan isang akyatang wlang puknat may ilang runners rin ako naabutan sa parte ng yun at pagdating sa tuktok ay MP16 na at nkuha ko na ang ikalawang bracelet. Nagpahinga ako ng saglit at kumain ng energy gel dahil mejo mahirap yun inakyat ko. Matapos ang ilang saglit ay naglakad na ako muli at habang nagalalakad ako ay nagring na naman ang cell phone ko at pagsagot ko ay si Rodel kinamusta ako kung nasaan na ako sinabi ko nsa 30-35km na ako muli ako ngcheck ng mga mensahe ko sa cell phone at wala …..  Matapos ko madaanan ang MP17 at bumaba sa matarik na trail na kinailangan mong humawak sa tali para hindi ka dumerecho sa MP 18 at magalakad ng kulang sa isang KM ay narating ko na rin ang AS4 sa wakas ang makakapag refill na ako dahil nsa AS4 ang drop bag ko na naglalaman ng mga ibang gamit ko.

Sa AS4 ay nagregrup na ako ng sarili ko hahahaha.  Naligo ako ng Maynilad mineral water, kumain ng sausage at Proteon na energy bar, uminom ng Pocari Sweat, nagrefill ng Gatorade, at nagalis ng buhangin. Ramdam ako na ang pagod sa sandaling iyon at hindi ko na hinintay na tamarin pa ako kaya inayus ko na muli ang mga gamit ko at nagsimulang lumakad bago ako umalis ay kararating lamang ni Chris sa AS4 at nasira na ang sapatos nya. Dito na ako nagsimulang sumuko, isang mahabang lakaran sa ilalim ang bandang araw alas-dose na ng tanghali. Bitbit ko ang ang isang pocari sweat at isang mineral water na pang buhos ko sa katawan at ulo ko nagpatuloy ako sa paglalakad hangang sa marating ko ang isang kanto, umupo ako doon sa silong ng puno at nagpahinga kasama ang mga locals dun.  “Kuya pang 37 kau” sigaw ng isang bata sa hindi kalayuan sa puno, nagulat ako dahil sa chaga nilang bilangin ang mga dumadaan na runner.  Inabutan ako ni Chris na namamahinga sa ilalim ng puno ksabay nya ang dalawang HongKong nationals na dumayo para makasali sa karera. Hindi na sila tumigil at sinundan ko na rin sila at dun na nag simula ang kalbrayo ko. Dumaan kami ng MP19 para makuha ang ikatlong bracelet at naglakad sa ilalim ng tirik na araw hangang sa naubos na ang tubig na pambuhos ko sa katawan. Naramdaman ko na na puro paltos na ang paa ko, at iniisip na puro sugat na dahil sa sobrang babad sa tubig. Napadaan kami sa isang tindahan at doon inabutan na ngmemeryenda ang isang runner at inaya kami magsoftdrinks muna ngumiti lang kami at nagpatuloy sa paglalakad. Mahigit na 2 na KM ang kailangan namin lakarin para marating ang MP20 at kinailangan pa naming dumaan sa bagamat sementadong kalsada ay paahon naman siya, naglalaro na sa isip ko ang tatlong letra DNF matapos ang ilan pang minutong lakaran ay narating na namin ang MP20 at ibinigay sa amin ang ika-apat ng bracelet. Nagpaiwan muna ako para silipin ko ang paa ko dahil sa sobrang sakit na at nararamdaman ko sugat-sugat ito. Inalis ko muna ang buhangin sa sapatos at inalis ang medyas at pagtingin ko ay sobrang puti na nag paa ko at 2 kuko sa paa ay dedz na. Sinuot ko ulit ang medyas at sapatos hindi na muna ako ngpalit ang medyas dahil sa may isang ilo pa raw kaming tatawirin, hinabol ko na sila Chris. Mabuti na lang at mej0 mapuno ang daan na iyon at hindi kami masyadong naiinitan ilang minutong lakaran pa ay narating n namin ang MP 21 mula doon ay tanaw ko na ang dike na dadaanan namin at feeling ko ay bibigay na talaga ako dahil sa sobrang init at walang silong kang madaanan. Mahigit sa isang KM ang lalakarin para makarating sa MP22 at trail na dinaanan namin ay isang mabuhangin na daan at buti na lang may sombrero ako at arm guard. Tirik na tirik si haring araw at animo’y kandila ako na nauubos habang naglalakad ubos ang ang tubig na dapat ay pambuhos ko sa aking ulo at katawan. Tiniis ko na lang ang init hangang sa marating na namin ang huling ilog, hinubad ko ang akin msapatos at medyas pra hindi na mabasa pa ang tuyo ko ng sapatos. Tinawid ako ang ilog na nkapaa lang at pag dating ko sa kabilang banda ng ilog ay hinugasad ko muna ang putikan paa ko. Humingi ako ng extra tubig ni Chris pero isang paa lang ang nahugasan ko, wala na ako choice kundi hugasan ang isa ko pang paa gamit ang Pocari Sweat mejo malagkit siya pero pinunasan ko na lang ng tissue. Nilampasan ako ni Neville, Michelle at isa pang runner na hindi ko nakuha ang pangalan. Ilang sanadali pa ay bumalik na ako sa paglalakad.

MP23 inabot sa akin ang huling bracelet pra sa unang loop mga ala una ng tanghali yun. Pagtingin ko sa dadaan ko ay tila walang hangan ang kalsadang tatahakin ko. Mejo malayo na sila Chris ngunit tanaw ko pa rin sila. Habang ako’y naglalakad ng magisa ay pumasok na sa talaga isip ko ang DNF dahil sa sobrang pagod at init. Inisip ko na hindi ko pa tapos ang unang loop (8km to the base camp pa) eh wasted na ako ano pa mamaya. Isang text ang natangap ko, isang kaibigan ang nagsabing “Good Luck” at sabay nabasa ko ang text ni Mar AKA Pojie sa Takbo.ph at pinupush ako pra sa finish. Sa mga oras na yun pinaghalong pagod at emotional stress na ang kalaban ko, nagtext ako kay Pojie ng “lapit na ako mag-DNF ” habang ngrereply ako sa isang text message ng isa pang kaibigan ay tumawag si Mhel.  “Pat what happen”“Mejo hindi ko na kaya” tapos narinig ko sa background ang ibang boses na nagsasabing “Pat ipace mo lang sarili mo”, “Kaya mo yan go go go” naka speaker phone ata ako mejo napukaw nila ang loob ko at mejo lumakas ang loob ko at nahiya sa kanila.  May sarili rin silang race sa Bagiuo kinabukasan pero naisinip nila na icheer ako buti na lang mababait ang mga taga Takbo.ph. Matapos nun ay isang tawag ulit ang natangap ko mula kay Danno “Pat san ka na”“Dito pa lang mga 8kms para matapos ang unang loop”“adik ka Pat hindi ka pa rin tapos”“malayo pa ako”“Good luck Pat kaya mo yan”.

Long road to basecamp

Long road to basecamp

Isang text message ang natangap ko mula sa isang kaibagan na tungkol sa kuneho at kilala mo kung sino ka, matapos ko mabasa yun ang tumulo ang luha ko hindi ko alam kung baket, dahil sa hirap at pagod, sobrang touch ako sa mga kaibagan ko na nag-aksaya ng panahon para lang icheer up ako, oh dahil sa iba pang dahilan. Nagkaroon ako ulit ng konting lakas para tumuloy sa basecamp. Bago ako makaratong sa basecamp ay nakasalubong ko si Thumbie “Solo o Relay”“Solo” napamura na lang siya, magsisimula na sya pra sa 2nd loop nya. Alas-tres y medya ay dumating na rin ako sa Basecamp.

salamat Denz sa litrato…

Ang araw ni Running Safety Pin bago ang TNF 100

Posted in Running stories, TNF 100 with tags , on May 28, 2009 by vvinceth

At last May 22 na rin, ito ang araw na kailangan namin bumiyahe papuntang Clark para umatend ng Final Briefing sa Holiday Inn.

Ala-syete ng umaga ng ako ay magising at madalian kong inayos ang aking mga dadalhin. (hindi ko na iisa-isahin mejo nakalimutan ko na). Mag aalas-ocho na ng ako ay matapos sa aking pageempake. Nagaus ako ng sarili at sakto 8.30 ng umaga ay nakaalis na ako ng bhay papuntang Victory Liner Cubao kung san kami ay magkikita-kita. Habang ako ay nasa kasakay sa taxi ay iniissip ko kung may nkalimutan pa ako na gamit at swerte naman ng mau naiwan ako, sa sobrang pagmamadali ay naiwan ko ang race belt ko since hindi naman siya ganun kahalga eh pinabayaan ko na lang.

Sakto 9.00 am nakarating na ako ng Victory Liner Cubao. Nakita ko kaagad ang isang grupo ng mga kalalakihan at may isang lalaki dun na familiar ang mukha pero hindi ko matandaan at sa kabilang banda ay nakita ko si Denz. Lumapit ako at tinanong kung asan na sila, si Ronald ay on the way na at si Glenn ay hindi pa ngtettext ang sagot ni Denz. May milang minuto ang lumipas at dumating na rin si Ronald at sabay na inaus na ang pagbili ng ticket, pero hindi na pala kailangan bumili ng ticket sinabihan kami ng sumakay na lang ng bus at doon na lang magbayad.

Sa loob ng bus ay nagkakila-kila na kaming lahat, ang grupo ng mga lalaki na nakita ko kanina ay ang mga “Fiesta Boys” ng Bataan 102 Death March si George, Rico, Jin, Atty Red at isang kasama ni Ronald sa SMB. Habang kami ay nsa bus ay kwentuhan muna kami kung pano kami naghanda at kung ano ano ang expectation namin sa karerang aming sasalihan. Makalipas ang isang oras ay nakarating na rin kami sa Dau at doon at kailangan namin bumaba pra sumakay papunta SM Clark kung saan kami ang manananghalian. Wala sa amin ang ay alam kun papaano punta doon. Tumawid kami sumakay ng jeep at sa driver ay nagtanong kun dadaan ng papuntang SM Clark, buti na lang may isang dilag na nagmagandang loob at itinuro sa amin ang daan. Kailangan pala namin madalawang sakay papuntang SM dahil walang derechong byahe doon. Pagbaba namin ng jeep ay muli kaming ngatanong kun saan ang patunongong SM at ang sabi ng aming napagtanungan ay maari n a raw namin lakarin. Nilakad namin simula Mc Arthur Hi-Way hangang SM wala sa isang kilometro ang layo.

Pagdating sa SM ay nagpasya na kaming kumain, umorder ako ng doudble decker sa sizzling plate at ang iba ay nagkanya-kanya na rin ng order ng kanilang pagkain dun sa SM food court carbo loading na eto. Matapos kumain ang lahat, napansin ko tumayo si Atty. at pumunta sa beer station na nasa tapat ng aming lamesa hindi ko na eto pinansin at maya-maya pa ay may isang atendant ang lumapit at binigyan kami ng tig isang baso. “Binibiro lang kita Atty” ang sabi ni Ronald, isang barel ng Pale pilsen ang inorder ni Atty na nagustuhan naman ni Rico. Sinimulan na ang liquid carbo loading, matapos ko maubos ang isang baso ay nagyaya sila George na mamili sa supermarket ng iba pang mga kakailanganin pra sa karera habang sila ay nagiinuman sumama na ako pra makatakas na rin sa liquid carbo loading.

Matapos ang pamimili namin ay bumalik na kami sa mga tumador at sa puntong iyon ay tapos na nila ang isang barel at maya maya pa ay nagpasya na kaming pumunta sa aming official hotel ang Eagles Inn.


Sa terminal ng mga jeep ay nagtanong kami kung saan ang mga byahe ng jeep na dadaan sa Eagles Inn, tinuro sa amin ang susunod na jeep. Ang init sa loob ng jeep at masikip kung pupunuin pa ng ibang pasahero sinabihan ko na lang sila na arkilahin na lang ang jeep para maging komportable na rin kami. Pumayag naman ang driver pero may ilang pang pasahero ang pinasakay nila kabilang na ang dilag na nasa unahan katabi ng driver. Matapos singilin ni manong driver ang ibang pasahero ay umalis na kami sa terminal at kami ay hinatid na rin sa aming official hotel.

Pagkarating namin sa hotel ay inaus na kaagad namin ang aming accomodation at kung anong package ang amin kukunin. Napili namin ang un may breakfast syempre para hindi na namin problemahin ang agahan kinabukasan. Sinabihan kami na icoordinate namin ang agahan sa canteen nila pero bago namin ginawa yun ay nilagay muna namin ang dadalang gamit sa aming mga kwarto. Sa canteen ay namili na kami ng aming agahan napansin ko ang isang dilag na naksabay namin sa jeep ay doon pla nagtatrabaho, “Ate hindi mo sinabi na dito ka nagtatrabaho sana nilibre ka na namin sa jeep” pabiro naming sinabi kay ate. Matapos ang pambobola ni George at Ronald kay ate ay bumalik na kami sa aming kwarto para ayusin na ang aming mga gamit pra bukas.

Kasama ko sa kwarto sila Denz, Rico, Isko at Glenn na sa mga oras na iyon ay bumibyahe pa lamang. Habang kami ay nag aayos ng gamit ay mejo nagkwentuhan kaming 3 ni Rico at Denz, si Rico pla ay nameet ko na dati at hindi ko lang maalala na pinakilala siya ng isang kaibigan ng makasalubong namin sa ROX at kilala nya rin ang ilang pang mga kaibigan ko sa pagakyat ang liit talaga ng mundo. Ilang sandali pa ay natpos na rin ang pagaaus ng aming mga gamit at pansamantala kami ay umidlip muna dahil sa kailangan namin ng lakas para aming karera. Mag aalas singko ng dumating si Isko at konting chika chika muna bago siya ay mag-ayus rin ng gamit. Habang wala ako magawa niyaya ko si Denz na puntahan ang Holiday Inn pra silipin lang at bumalik rin agad, ang sabi kasi sa amin ang malapit lang ito. Limang minuto na kaming nglalakad ay wala pa kaming matanaw na Holiday Inn. Ala sais pasado na kami nakarating ng Holiday Inn at sa puntong iyon ay wala na kaming balak bumalik pa ng aming official hotel dahil sa layo.

Sa Molave Function room ng Holiday Inn gaganapin ang final briefing habang kami ay naghihintay sa mga naiwan naming kagrupo ay inukupa na namin ang isang lamesa. May nakahain na isang tig isa isang tinapay at mantikilya.


Isang lalaki ang lumapit sa pwesto namin na kakilala ni Denz isa rin pla syang taga Takbo.ph Infinity anf handle nya at Cris sa totoong buhay. Si Cris ay isa ring kaibigan ng isa ko pang kaibigan (ang liit talaga ng mundo) nakisalo na rin sya sa aming lamesa at maya-maya pa ay dumating na rin ang iba pa namin kagrupo at inihain na rin sa amin ang hapunan na isang hita ng manok, macaroni pasta, at gulay na may mantikilya hehehe habang kami ay kumakain ay sinimulan na ang briefing at parang inulit lang ang nangyari sa ROX nung unang briefing. Habang nsa kaligtnaan ng diskusyunan ay dumating na si Glenn dumerecho na sya ng Holiday Inn. Ilang mga katanungan at kasagutan pa ay natapos na rin at kinailangan na rin namin bumalik sa aming official hotel pero bago ang lahat ay isang matindi tinding photo ops muna.

Kami ay lumabas na ng holiday Inn (Isko, Denz, Glenn). Bago kami lumabas ay may dalawang tao kami nkasabay bumaba ng hagdan at nagsabing “ang mahal sa Holiday Inn” sa nais namin makatulong ay sinabihan namin na dun sa amin official hotel ay mura lang. Habang naglalakad ay hinintuan kami ng isang sasakyan at tinanong kami kung pano pumunta sa hotel na sinasabi namin kanina (sila pla un nkasabay namin sa hagdan) itinuro namin ang dereksyon pero kahit kami ay nalito kaya ang sabi nila sumabay na lang kau.

Pagbalik namin sa official hotel ay naligo na kami pra paggising bukas ay dere-derecho na. Inaus muli ang mga gagamitin pra kinabukasan at konting kwentuhan. Si Glenn ay kinailangan pang bumalik sa SM pra kunin ang ibang gamit nya na iniwan sa bagagge counter. Sa sobrang dami ng dala nya ay iniwan nya muna ang iba doon at balikan na lang. Suot ang mga damit na gagamitin pra kinabukasan at matapos ang paglalagay ng duct tape sa paa at matapos iready ang lahat ng gagamitin pra sa karera isa isa na kaming tumahimik at natulog.

salamat sa mga litrato denz…

TNF 100 Primer

Posted in TNF 100 with tags , on May 11, 2009 by vvinceth

Last year (2008) TNF 100 was announce sometime May or April. Wasn’t able to join this event because of lack of training and dahil busy na rin sa kung saan man ako busy ng mga oras na yun (hahahaha). I used to join adventure race before that’s why I wanted to join the event not because I love running (like what i am now).

BTW, I was introduced in running when I was in grade school. I was picked to compete in an Inter-School competition pero sprint cya 100m-400m lang. Now, after I joined the Happy Ran last January felt the running back into my blood again. Registered in www.Takbo.ph and found that there will be another TNF1oo this coming October 3, 2009 @ Singapore. I told my running friend to join the relay he replied “wag dun ang lau tpos mahal pa, wait na lang tau magkakaroon din nyan ulit d2”, i have no choice. Then after a couple of weeks February I think he emailed me “Pat e2 n un hinihintay mo” plus the link of the TNF 1oo Phils. The moment I got that email I trained hard for the race.

TNF

Got my new Nike Lunar Lite, (Thanks Mira) started training TTH and race day on Sundays. My hardest training was during Holy Friday 21k Pasay to Cavite then after 30 hrs (12am Sunday) we (me, glenn, rodel) ran 50k and my recent wall hiting run of 12k under a scorching heat (11am-12:22pm) wherein I almost collapse. Good thing I was able to read my body condition. This things was made possible by TNF 100 (hahahahah).

Now, May 11, 2009 12 days before TNF 1oo the excitement builds up and challenges are poping out here and there. Almost 3 months of training is at stake, can’t imagine if i will not see the Finish word at the end of my TNF100 race though I know i have to accept the acronym DNF for whatever reasons.

Last word I can say is “ILL DO MY BEST TO FINISH THE RACE”