Archive for ultramarathon

TNF 100 Duo Singapore

Posted in Running stories, TNF 100 with tags , , , , , , on May 23, 2010 by vvinceth

Ronald: ‘Pat seat sale ngayon sa Cebu Pacific, ano sali na tayo sa TNF’

Pat: ‘Magkano?’

Ronald: ‘nasa 4k lang’

Pat:’sige book ka na’ (sabay tulog ulit)

Makalipas ang ilang buwan….

Ika-24 ng Oktubre taong 2009 sa oras na ika-4 ng umaga bumangon ako ng maaga para maghanda na sa unang karera ko sa ibayong dagat anf TNF 100 Singapore Duo.  Inayos ang lahat ng gamit ginawa na ang dapat na gawin.  Habang naghihintay kila Ronald at Iris ay npaisip ako kung matatapos ko ng Sub 6hrs ang 50kms na trail run, papaano ko aatakihin ang ruta na hindi ko alam kung ano ang meron, anong stratehiya ang gagawin ko at iba pang bagay na bumabagabag sa akin para tapusin ang karera.

Team Takbo.ph

Team Takbo.ph

Pasado ala y singko ng umaga na tumulak kami papuntang Mc Ritchie Park kung saan gaganapin ang karera.  Pinara namin ang isang taxi and sinabi namin Lornie Road, ang kalye na pinaka malapit sa park.

Uncle (manong or kuya sa atin): where is it?

Iris: Mc Ritchie Park. Where are going to Mc Rithcie Park. Lornie Rd.

Uncle: Nornie Node? aah.. Just tell me how to get there.

Iris: Ok!

Gamit ang mapa na dala ni Iris ay itinuro namin kung san kami papunta. Makalipas ang 20-30mins ay narating na namin ang park at doon ay hindi pa namin kung san kami pupunta. Isang club house ang pinuntahan namin at doon na namin nakita si Doc Eric ang malupit kong pacer ng Botak 100 at magiging pacer ko ulit sa TNF 100 SG. Nilagay na namin sa locker(1 SGD) ng club house ang aming mga dalang gamit. Isang grupo ng mga pinoy ang nakita namin dun at pamilyar ang mukha nya sa akin, hindi ko muna siya nilapitan dahil baka kamukha lang niya hangang sa lumapit na siya at di ba ikaw si Patrick MESAU?, (sabi ko na nga ba si Caloy ng Fuji Outdoor Club) Caloy tama? . Si Caloy ay isang kaibigan noong ako ay aktibong mamumundok pa.

Doc E(The ultra Pacer), Hoff Ronald, UltraPat

Doc E(The Ultra Pacer), Hoff Ronald, UltraPat

Pinoy Runners at TNF 100 SG

Team Takbo.ph Team Bibo at TNF 100 SG

Ronald, Doc E, Pat

Matapos ang photo ops ay pumunta na kami sa Simulang Guhit para masiyasat na ang aming mga gamit.

cheking gears

cheking gears

checking

cheking gears

Matapos ang timbangan at kung ano pa man ay nagpunta na kami sa simulang guhit para makihalubilo sa iba pang kalahok sa karera. Habang naghihintay ng simula ay nagusap na kami kung pano ang gagawin support at kung saan kami aabangan ng aming Ultra Pacer.

Takbo.PH

Takbo.PH

Minarapat namin magsimula sa pinakahuli na pinagsisihan namin habang nagtutuloy ang karera.  Ika-7 nag umaga ng magsimula ang karera, isang sementadong kalsada patungo sa trail ng McRitchie. Isang mabagal at mahabang pila ng mga mananakbo ang bumungad sa amin ng marating namin ang simula ng trail. Isang makipot na daan ang aming tinahak sa umpisa ng trail run. Ang plano ko na 1km run(race pace)-1km run(LSD pace) ay nasira dahil sa sobrang daming mananakbo sa unahan, isa pang sumiira sa plano ko ay ang mga ahon, kasama sa plano namin ang paglalakad o pagbagal pag may ahon.  Tila bang nangaasar ang ruta, sa tuwing handa na kami para tumakbo galing sa isang mabagal na lakad/takbo ay isang ahon na naman ang makikita namin sa unahan namin. May mga ilang beses kami ni Ronald na nagpapalitpalit ng mabilis na pace para mahataka namin ang isa’t isa. Pagkalabas ko sa Mc Ritchie Park isang sementadong kalsada(Riffle Range Road) ang bumungad sa akin, isa lang ang tumatak sa isip ko at ito ay bumawi ng nawalang oras nung nasa loob kami ng park. Ilang kalahok ang nalamapasan ko sa parte na iyon. Doon ko lang nalaman kung baket Riffle Range ang tawag sa kalsada ang iyon, literal na Riffle Range ka kasi sa tabi nito ay isang target range ng militar ng Singapore. Sa mga oras na iyon ay hindi ko na nakita si Ronald. Isang Indiano ang ginawa kong target simula noon, hindi kami naglayo ng ditansiya at sa tuwing lumalaki ang distansiya namin ay pilit kong hinahabol siya, hangang sa makarating kami sa Bukit Timah Nature Reserve na 11.5kms mark na U-turn ng mga 50kms duo at dito rin ang unang check point para sa mga 100kms duo.

Bukit, isang katangga na hangang sa makauwi kami ay hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin. Napaisip kami ni Ronald baket may mga lugar na Bukit Timah, Bukit Panjang, Bukit Batok, Bukit Bontak at marami pang Bukit. Bukit = Barangay? Bukit = Siyudad? Bukit=Lalawigan? Bukit=Bukid? ano ba talaga koyah.

Isang ahon ang bumulaga sa akin sa Bukit Timah ngunit bago pa ako magsimula sa ahon ay isang tinig ang narinig ko “Ayon oh may flag ng Pilipinas”, pag lingon ko ay mag isang grupo ng mga Pinay na inisip ko na sila ang support crew ng mga Pinoy(SG based). Isang mahabang lente ng kamera ang nakatutok sa akin habang ako ay nakangiti(syempre papahuli ba tau) at ng lumampas ako ay sumigaw sila ng “Go Pinoy”(kakataba ng puso), pabaon sa akin para sa isang matarik na ahon . Ayon sa aking garmin simula km11.44 na may elevation na 12mtrs ang ahon niya ay hangang km12.60kms at may elevation na 158mtrs at sa layo ng 1.16kms ay umakyat kami ng 146mtrs oh may pagtaas ng 1.3mtr kada 1omtr bagamat siya ay sementadong daan ito ay naging parusa. Sa sobrang tarik kailangan kong magpazigzag zigzag para mabawasan ang hirap. Marami ang tao sa lugar na iyon sapagkat magandang training ground siya dahil sa ahon na iyon at kahit matatanda ay inaakyat ang matarik na burol na iyon, sa maniwala kayo at hindi ang ibang nakakasalubong namin na bumababa ay bumababa ng patalikod dahil sa tarik (isipin niyo kun gaano siya katarik).  Habang inaakyat ko ang burol na iyon ay iniisip ko na pano ako nito mamyang pabalik? Pagod at malamang wasak na ang tuhod dahil sa 12kms pa lang ang tinatakbo namin. Magpagulong-gulong na lang ba ako hangang sa marating ang paanan ng burol?

Ang usapan namin nila Iris at Ronald ay sa Chesnut Drive na kami muling magkita para sa unang rest at dahil sa malapit lang rin sa tinitirahan nila Iris. 15 minuto bago mag ika-9 ng umaga ay narating ko na ang Chestnut Drive, ngunit hindi ko makita si Iris at minarapat ko na tumuloy na lang at hindi na antayin si Iris. Habang tumatakbo ako ay isang Taiwanese ang lumapit sa akin at nakipagkwentuhan, hindi ko maintindihan yun english niya kaya ako ay tango lang ng tango at yes lang ng yes may ilang minuto rin kaming nagkasama sa trail. Isang trail ng mountain bike ang dinaanan namin, maganda at hindi ka maliligaw sa trail na iyong tinatahak dahil lahat ay may trail sign. May pangilan ngilan na nagbabike ako nakasalubong.

3 oras matapos ang hudyat ng simula ay narating ko ang Mandai Rd. papasok kami sa isang trail na paikot at may layo 10kms . May aid station bago kami pumasok ng trail, sa aid station na yun ay napakaraming saging, tubig,100plus, at kahong-kahon na Hammer Gel inisip ko na kumuha ng marami para magamit sa ibang karera(hehehe) pero naisip ko na rin pagbalik na lang dahil wala ng mapaglagyan sa hydration bag ko at dadaan rin naman kami doon. Mabato at malawak ang dinaanan namin at walang punong pwedeng magkubli sa amin. Mainit na ng mga oras na iyon at nagsimula na akong bumagal. Isang babae kasama ang kanyang irog ang namimilipit sa sakit ang nilampasan ko, pinupulikat ang babae sa tingin ko ay hindi na kayang tumakbo pa ulit, habang pinagmamasdan ako ang mag-irog ay napuna ako na ang gamit na sapatos ng babae ay Lunar Racer. Nagulat ako na isang babae ay tumatakbo ng TNF 100 Singapore DUO gamit ang isang racing flat na sapatos, hindi ko maisip na may tatakbo ng karerang iyon gamit ang ganung sapatos.

KM 27, ang sabi ng garmin ko matapos ang isang bahagyan ahon at sa tuktok na iyon ay isang check point. Sobrang init, at kinailangan ko ng tubig para basain ang katawan ko para lumamig ang pakiramdam ko. Tatlong kilometro pa bago marating ang susunod na aid station sa Mandai Rd na kung saan ay doon rin kami pumasok. Dito ko naramdaman ang sobrang pagod at minarapat ko ng magpahinga. Naramdaman ko na rin na Wall na ako sa mga oras na iyon. Habang nakasalampak sa ay may ilang mga mananakbo na pinipilit na ako tumayo para tumakbo muli at matpos ang ilang minuto ay nakabawi ako at bumalik na sa pagtakbo.

KM 3o, sa wakas aid station dali-dali ako dumampot ng isang boteng tubig at pinaligo ko sa katawan ko. Isang volunteer ang tumulong sa akin, kuniha niya at bote at ibunuhos ang tubig sabay ‘Kuya ang galing niyo, tapusin niyo yan’ pilipina pala siya. Nagtanong siya kung san kami nakatira sa akalang sa Singpore kami nakabase, matapos ko sagutin na galing kami ng Pilipinas at pumunta lang kami ng Singapore ay nagulat siya ‘Pumunta kayo dito para lang magrace? Grabe kayo’. Matapos maligo at bahagyang lumamig ang katawan ay binaling ko ang sarili ko sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain kumuha ako ng 2 saging at hinanap ang kahong-kahon Hammer Gel na sa mga oras na iyon ay ubos na sayang dapat kumuha na ako para hindi na naubusan.  Kumuha ako ng isang boteng tubig para ibaon dahil 5km pa ang susunod na aid station, kailangan ko ng tubig para ipang buhos sa katawan ko dahil sa sobrang init.

Dalawangpung kilometro na lang ang kailangan ko takbuhin para matapos ang karera. Babalik kami sa trail/ruta na dinaanan namin nung una para sa katapusang guhit.  Sa hindi kalayuan sa aid station ng Mandai Rd isang mountain bike ang nakita kong may watawat ng Pilipinas, ‘Sir ano po kailangan niyo may gatorade at mga pagkain kami diyan’. Huminto ako at tinanggap ang tulong nila, sobran laki na pasasalamat ko na ako ay isan Pinoy na kahit saan ako pumunta ay may tutulong sa akin. Kaibigan sila ng kaibigan ko na sa Singapore na rin naka base, ang liit talaga ng mundo. Matapos magload ng Gatorade at saglit na kwentuhan ay bumalik na ako sa pagtakbo. Mainit at walang hangin, sapat na ito para pabagalin ako ng husto. Takbo pag walang lilim at lakad ng sanadali  pag may lilim at malamig, buhos ng tubig sa katawan para lumamig ang pakiramdam. Dito ko na rin nakasalubong ang mga solo runners na tumatakbo para sa kanilang pangalawang loop grabe ang lakas nila hindi mo makikitaan ng pagod sa kabila ng init.

Bago ko marating ang aid station isang grupo ng mga support ang naghihintay para sa kanilang mga kaibagan na tumatakbo rin ang nasilayan ako at isang kamera ang naka tutok sa mga dumadaan. Sinigawan ako nila ako SMILE, ngiti naman ako pagtapat ko sa lamesa nila ay inalok nila ako ng pagkain at tubig na tinangihan ko dahil alam ko na nandun rin ang support namin na si Iris. Naglalakad na lang ako noon ng makita ako ni Iris, sinalubong ako at inalalayan patungo sa lugar kung nasaan ang mga supplies namin. Saging, itlog ang nilantakan ko noon habang minamasahe ni Iris ang hita at binti ko. Naalala ko noong tumakbo ako sa Botak 100 na kung saan ay minasahe rin ako ng ate niya na si Marga sa pagkakataon na iyon ay siya naman. Gumaan ang pakiramdam ko noon at matapos ang ilang minuto at nakaramdam na ako ng lakas muli para tumakbo.

Team Takbo.ph Aid Station Manned by Iris

Team Takbo.ph Aid Station Manned by Iris

itlog

Resting after 35kms

pprrffttt

pprrffttt

Ready??

Ready??

15kms na lang ay matatapos ko na ang unang karera ko sa ibayong dagat. Isang babae ang naging target ko,  maganda ang katawan at maganda rin ang mukha. Hindi dahil sa maganda siya, ito ay dahil sa nachallenge ako sa kanya. Hindi mo aakaling tatakbo siya ng 50kms na trail run sa ichura niya hindi ako papayag na mauna siya sa aking sa katapusan guhit. Malakas pa siya, hindi ako nagpapaiwan sa kanya at kung maiwan man ako ay siguradong tanaw ko pang ang LIKOD niya. May mga oras na nagpapahinga siya dito ako tumatakbo ng mabilis para maiwan ko siya ngunit hindi ko pa rin siya maiwan, maglalakad lang ako ng saglit ay makikita ko na siya agad na nilalampasan ako. Hangang sa marating namin ang support crew niya, huminto siya dito at habang dumadaan ako sa tapat nila ay inalok rin nila ako ng tubig at pagkain na tinangihan ko na rin. Doon ko na siya huling nakita. Mababait sila hindi sila namimili kung sino man ang tutulungang kahit ibang lahi ka pa ay tutulungan ka nila.

Sa huling parte ng karera ay nakaksabay ko ang pangilaningilang TNF50 duo runners, ang iba ay naglalakad at ngkikipagkwentuhan sa kanilang kateam ang iba naman ay nakaupo sa tabi at nagpapahinga may mga animong bata lang na naglalaro sa kalsada na akala mo eh hindi kasali sa karera pero madalas na akong magisa sa trail at para maaliw ako ay kumakanta na lang ako (‘I wanna love you, and treat you right’) dito ko na rin naramdaman na pupulikatin ako. Tuwing ako ay tumatakbo ay nagbabanta ang binti ko ng pulikat, napiltan ako lakarin na lang ang huling 5km ng karera at nanggigil ako sa sarili ko dahil sa hindi matulungan ang sarili ko. Tuwing may lalampas sa akin gusto kong habulin pero dahil sa pupulikatin ako ay ninais ko na lang maglakad. KM 46 ng matangap ang mensahe ni Doc Eric na nagaabang na sa Mc Ritchie para salubungin kami, tinatanong niya kung san banda na ako naroroon. KM 47 naubos na ang baterya ng Garmin gusto ko malaman kung gaano pa kahaba ang tatakbuhin/lalakarin ko. Naiinip na ako hangang sa may nakita sa hindi kalayuan na isang matangkad na lalake na pasalubong sa akin, nang makita ko ng malapitan ay si Doc Eric na pala. Sinalubong na niya ako, huling dalawang kilometro na lang at sinasabihan niya ako na malapit na ang katapusan guhit at dahil dito ang namotivate ako para tumakbo pero dahil sa pupulikatin ako ay muling naglakad na lang ulit ako (makulit kasi). Sa kanan ayi sang golf course sa kaliwa ay isang lawa gusto ko sana lumublob pero baka malalim eh, matatanaw mo ang ibang mga runnner na nasa unahan mo at isa isa ko silang hinabol pero alalay pa rin dahil sa pulikat.

Huling 500 metro ng karera ay pinilit kong tumakbo pero sinabihan ko si Doc Eric na hindi na kagaya nag Botak 100 mahirap maospital sa Singapore. Mabagal at parang pilantod ako na tumatakbo noon kasabay ang Ultra Pacer na si Doc Eric. Habang papalapit ng palapit sa katapusan guhit ay dumadami na ang tao na nagchicheer sa akin, may isang grupo ng mga Pilipino ang sumisigaw na ‘Go Pinoy’ at pumapalakpak pa sila natuwa ako at bahagyang binilisan ko ang pace  at hindi naglaon ay natanaw ko na arko sa wakas.

Makalipas ang 7hrs at 51 mins ay natapos ko na rin ang TNF 100 Singapore Duo. Matapos ang ilang minuto na may oras na 8hrs 15mins ay si Ronald dumating.

Isang karangalan para sa akin na makatapos ng TNF 100 at ang tagumpay na ito ay hindi namin makakamtan kung hindi dahil sa mga tumulong sa amin Iris, Doc Eric. Muli isang pasasalamat ang handog namin ni Ronald.

ARAL: Dont under estimate any race even if it is a 3k race. (nald nakalimutan ko ilagay eto)
Advertisements

Running Safety Pin endured the trail and now the road. (Botak Paatibayan 100km 2nd loop)

Posted in Running stories with tags , , on November 3, 2009 by vvinceth

Balik sa Kalsada

Lampas kalahati ng ika-pito ng kami ay muling magsimulang manakbo para tapusin ang natitirang 55 kilometro  ngunit bago kami magsimula ay dumating na ang isa pa namin kaibigan, si Luis. Noong una ay binalak ni luis buoin ang 100km ngunit dahil sa kapaguran ay minarapat na lang niya na wag ituloy ang 100km bagkus ay tapusin na lang 50km. 5kilometro pa ang dapat takbuhin ni Luis para makumpleto ang 50km sinabayan muna namin sya nung una pero dahil sa saobrang pagod nya ay minarapat na namin mauna sa kanya.

5kms more for Luis first ultra race

5kms more for Luis first ultra race

Ang ikalawang yugto ng karera ay babagtas sa siyudad ng Marakina. Magkakasama kaminila  George, Ron, Julius, Denz (ang aking pacer), habang kami ay nagkukwentuhan ng aming mga karanasan sa nakaraang TNF 100. Pumasok kami sa loob ng Balara para tumawid patungong Tumana bridge na kung saan ay naghihintay si Ronald sa amin at sa aming Support vehicle. Dinantnan namin naka-upo si Ronald sa bangketa na panandaliang sinamahan namin habang hinihintay kay Carlos ang amin magiting na taga supporta. Ilang sandali pa ay umuna na ulit kami at iniwan si Ronald habang naghihintay kay Carlos. Napadaan kami sa isa estasyon ng tubig, pinuno namin ang aming sisidlan at naligo ng malimig na tubig dahil sa mga oras na yaon ay tirik na ang araw. Si George ay gustong bumili ng softdrinks dahil sa may ilang oras na rin kaming tumatakbo at nais na rin naman makatikim ng masarap na inumin. Pagkatawid ng Tumana bridge ay naghanap kami ng tindahan na maari namin bilhan ng softdrinks.

Paalam Quezon City Hello Marikina.

“Kuya ano ang pinaka malamig nyo ng softdrinks”, yan ang bungad ko sa unang tindahan na nakita namin na hindi kalayuan sa paanan ng Tumana bridge. Umupo kami at muling nagpahinga habang kami ay walang sawang nagkukwentuhan ng aming mga karanasan(sa takbo ah hindi yan iniisip mo). Nagpasya na rin kami na doon na hintayin si Ronald na sa kalaunan ay natanaw na namin. Muli, kami ay nakumpleto maliban lamang kay Rico na nauna na sa amin. Pansamantalang tumakbo kami para habulin ang aming support vehicle at iwan ang aming mga dalang gamit. “Ahhh, ang sarap ng pakiramdam. Ang gaan-gaan ng feeling”,  matapos ko ilagay ang “hydration bag” na naglalaman ng 1.5 litrong tubig ang kung ano-ano pa sa aming support vehicle. 50 kms akong tumatakbo habang nakasukbit ang bag na iyon sa likod ko ngaun wala na saya ay tila ba sobrang gaan ko na. Nagpasya na kaming manakbo ulit patungong Marikina Heights.

Hello Haring Araw!!

Pasado ika-sampu ng umaga ng masalubong namin si Isko at Run2dmoon sa kahabaan nag Bayan-Bayanan Ave. Concepcion at tapos na sila sa Marikina Heights Loop at kami naman ay pasimula pa lamang.  Maraming tao sa kalsada ang iba ay biglang npapatingin sa amin na wari’y nagtatanong kung anong ginagawa namin at baket kami tumatakbo sa gitna ng araw na minsan ay natanong ko na rin sa sarili ko. Mula Bayan-Bayanan ay kumanan kami sa Ordonez Ave at muling kumanan sa Katipunan St. patungong Sumulong Hi way. Ramdam na namin ang init ni haring araw, kaya’t kailangan naming uminom ng uminom ng tubig at basain ang aming katawan para makaiwas sa dehydration at heat stroke. Tuloy ang laban kahit tirik ang araw, nakarating ako sa kanto ng Sumulong at Gil Fernando Ave para bumalik muli sa Ordonez Ave sa mga puntong iyon ay bahagyang ngkakaiwanan na kami so Ron ay nagpaiwan na para may bilhin sa Mercury drug samantalang sila George, Julius , Ronald ay tila wlang kapaguran sa pagtakbo at habang ako naman ay naglalakad ng mabilis.  Hindi ko na kayang tumakbo ng higit sa 1km at wari ko si Denz ay naboboring na sa pagpepace sa akin. Kinailangan kong tumakbo/lakad sa lilim ng mga puno para hindi agad maubos ang lakas na natitira ko, panay ang tawid ko sa kalsada kung san mayroong lilim.

The Fiesta Boys with Denz the Pacer

The Crew

The Crew(back view)
The Crew(back view)
w0w Sexy nito ah... weet weew

w0w Sexy nito ah... weet weew

Champaca, Oh Champaca…

Ika-11 ng umaga ng kami ay makarating sa Champaca St.  sa loob ng Marikina Heights. Walang masyadong puno at may ilang paahon ng kalsada. 4 na kilometro ang kahabaan ng Champaca ngunit tila bang wlang katapusan ito, mula km 59 hangang km 63 naglakad lang ako kasama si Denz habang sila George, Ronald, Julius ay lakad-takbo dahilan kung bakit ako ay nasa hulihan maliban kay Ron na nung mga panahon na yun ay may kalayuan sa amin. KM 60 inabutan namin sa isang kanot si Carlos, huminto kami para uminom at magabasa ng aming katawan. Inabot ko sa isang cooler ang sponge sabay piniga sa ulo ko at biglang napasigaw sa sobrang lamig, “ahh, ang lamig, saraaaaap”. Kunting ayos ng sarili at balik kalsada muli. Lakad na walang katapusan at matapos ang mahigit kalahating oras ay nakalabas na kami sa Champaca at muling tinahak ang Ordonez Ave. at dun na rin namin inabot si Jigz at Kiko. Ubos na ang tubig ni Kiko inabutan siya ni Carlos ng isang boteng tubig para maibsan ang kanya pagkauhaw. Simula noon ay ngsama-sama na kami kwentuhan dito at kwentuhan doon.

ooohhh water...

ooohhh water...

spot ultra pat...

spot ultra pat...

Death March sa Riverbanks?

KM 66, simula ng ruta sa Marikina riverbanks. Excited na makita ang Takbo.ph Aid Stattion.  Mejo nakisama ang panahon ng mga oras na yun dahil sa makulimlim at nagbabadya ng ulan. Ilang mga runners ang nakasalubong namin Denz, halos lahat ay naglalakad na lang para ireserba sa huling bahagi ng karera. Isang mahabang lakaran ang ngyari noon sa gilid ng Marikina River Banks mejo ubos na ang dala kong tubig at hindi na pwedeng magsuport si Carlos dahil sa hindi makakadaan ang sasakyan sa parteng iyon. Isang mensahe ang natangap ko mula sa aking kaibigan at kinamusta ang lagay ko sa karera, pangsamantalang nagpalitan muna kami ng mensahe habang ako ay naglalakad at para na rin medyo malibang ako at maiba ang laman ng utak ko. Narating rin namin ang Marikina Bridge, sa punto na yun ay medyo hiwa hiwalay na kami sila Ronald ay nakakatakbo pa ng maayos at ako naman ay lakad na lang talaga dahil sa sobrang pagod at sakit ng paa. Habang papalapit kami sa Marikina River Banks Mall ay panay ang sulyap ko kung saan ko matatagpuan ang Aid Station ng Takbo.ph sa kabilang parte ang River Banks hangang sa isang tent ang nakita ko at may mga taong kumakaway sa amin, sa wakas ang Takbo.ph Aid Station medyo binilisan ako ang lakad para makarating sa isang check point at makarating na rin sa Aid Station. Habang naglalakad kami patungo sa check point sa tabi ng SM Marikina ay nagdala ng ilang pagkain,tubig at malamig na tuwalya sila BongZ, Edu, Doc E (hindi ko na natandaan yung ibang kasama). Pagdating namin sa check point ang sabi sa amin ng marshall ay kailangan ulit bumalik sa Tumana Bridge at tumawid sa kabila para sa isa pang check point sa Marikina River Banks Mall at doon na namin madadaanan ang aid station. Makalipas ang ilang saglit at matapos kami magrecharge ay bumalik na ulit kami sa paglalakad.

incoming supplies.. weee

incoming supplies.. weee

ronald: pat san ka na... pat: dito ako sa likod mo...

ronald: pat san ka na... pat: dito ako sa likod mo...

Masaheeee……

(Sa ambulansya hindi kalayuan sa check point)

Kiko: ‘may gamot kayo for'(hindi ko narinig)

Medic: ‘meron’

(na-ingit si pat)

Pat: ‘kuya may extra kayong paa dyan na pwedeng  ipalit ko sa paa ko’ (nagbibiro)

Medic: ‘hehehe meron sir kaso pang babae’ (sabay turo sa isang volunteer na babae sa loob ng ambulansya)

Medic: ‘baket po sir?’

Pat: ‘hindi na kaya ng paa ko, masakit na, meron ba kayo pain reliver dyan’

Medic: ‘Alaxan FR sir pede un’

Pat: ‘sige kuya pahingi ako, pwede ba pamassage??’ (nqgbakasakali lang)

Medic: ‘pwede sir’

Sabay bukas ng pinto sa likod ambulansya at sinabihan ang isa pang volunteer na siya na ang magmassage. Habang ako ay nakaupo at minamasahe.  Pagpahid ng Bengay ay halos mapasigaw ako sarap. Parang naging presko ulit ang pakiramdam ng paa at binti ko. Pag tayo ko sa kinauupuan ako ay isang malaking pasasalamat ang iniwan ko sa kanila at muli ako ng nagsimulang lakad-takbo, nakakuha ako ng ikalawang hangin(2nd wind) matpos ang masarap na masahe.

Dead GF

Magisa ulit akong tumakbo/lakad habang ang kalangitan ang nagbabadya ng pagbuhos ng ulan. Bago ako makarating sa Marikina Bridge ay unti-unti ng pumapatak ang ulan, at hindi nagtagal ang bumuhos na ng tuluyan ang malalaking patak nag ulan. Magandang pagkakataon sa akin yung para tumakbo dahil sa malamig ang panahon, tinanggal ko ang akin arm warmer para takpan ang aking Garmin Forerunner at hindi eto masyadong mabasa.  Mejo mahaba at matagal pa na takbo/lakad ang kailangan ko at inoorasan ko na ang sarili ko kun aabot ako sa cutoff na 18hrs.  Sinilip ko ang Garmin koa para tanchahin kun aabot ako ng cutoff, 76kms 13:25:01 na ako tumatakbo at habang ako ay tumitiningin dito ay bigla na lang nawalang ang power eto. Mejo nataranta ako, hindi ko alam kun nasira siya dahil sa nabasa ng ulan o kaya ay naubos na ang baterya niya. Wala na akong panukat kun aabot pa ako ng cut off .

Bahagyang tumila ang ulan, at tanaw ko na sa hindi kalayuan ang Tumana Bridge at sa kabilang dako ng ilog ay nakita ko si Isko na sumesnyas na bilisan ko raw at sabay turo sa relo bilang senyales para sa oras ng cut off. Ilang sandali pa ay narating ko na ang kabilang gilid ng Marikina River at ilang kilometro na lang ay mararating ko na ang aid station. Habang ako  ay naglalakad na parang lulugo lugo ay nakasalubong ko ang ilang mga mananakbo si Ralf, RunnerforChrist, Rico at ilang mga PUR kabilang na si Mon Sandoval na nagbigay ng maiinom na tubig at pagkain(salaman Mon).

@Botak Aid staion of  Takbo.ph and Reinier Pacific

Pasado ika tatlo ng hapon ng salubungin ako nig Bongyu at Doc Eric ng tubig at makakain ilang metro na lang ang layo sa aid station. Nang marating ko ang aid station ay nandun na sila George, Julius, Ronald at nagkapagpahinga na. Malakas ng palakpakan ang sumalubong sa akin, pag-upo sa sahig ay inasikaso kagad ako ng mga Takbo.ph volunteers na para akong pasyente. Si Marga (AKA as margalicious ng takbo.ph) ay minasahe ako ng napakasarap habang kumakain ng saging at pinasalubungan pa ako ni Lorie ng brownies. Napaka laki ng utang na loob ko sa Takbo.ph para sa tulong na binigay nila para matapos ako ang Botak 100. Habang ako ang nakahilata sa sahig at ngpapahinga ay isang tawag ang natangap ko si Doc Roy, nagpapahintay siya at sasabayan niya raw ako sa huling yugto ng takbo ko. Si Doc Eric Bongyu at Doc Roy sila ang mga malulupit na pacer sa huling 12kms.

The Crew @ Takbo.ph aid station

The Crew @ Takbo.ph aid station

Takbo.ph aid station

Takbo.ph/Reinier Pacific aid station

my hoffness @work

my hoffness @work

on call with Doc Roy another Pacer

on call with Doc Roy another Pacer

nice way to break in gelli @ Botak 100

nice way to break in gelli @ Botak 100

Takbo.ph aid station with Renier Pacific of Sir. Amado Castro

Takbo.ph aid station with Renier Pacific of Sir. Amado Castro

Huling 12

Hinintay ko pa sila Kiko at Ron bago ako magsimulang lakad/takbo dahil sa gusto ko na maging huling finisher ng Botak 100 ilang minuto ko rin silang pina una at hindi nagtagal ay inabutan ko rin sila at isang grupo na kami ng kulelat.  Si Ian Alcar ay nakisabay na rin sa aming paglalakad at binagtas muli ang Loyola Grand Villas. Mahabang lakaran ang nangyari lalo na ang pamatay na akyatan sa Katipunan Extension. Bago pa kami makalabas ng Balara ang napansin ko na hindi kami aabot kung maglalakad na lang kami, sinabihan ko na si Doc E na kailangan na namin tumakbo. Nagpaalam na ako kay Kiko at Ron “kita kits sa finish line”.

malulupit kong pacer

malulupit kong pacer

malulupit kong pacer

malulupit kong pacer

tumana bridge

tumana bridge

patayan na ahon eto

patayan na ahon eto

see ang tarik nito...

see ang tarik nito...

5km dash para sa 7pm na cut off

6:15pm

Nagsimula na ako tumakbo na parang PR mode sa 5k, takbo tapos ay pahinga ng saglit. Nakarating na kaming muli sa UP at naglakad sa oval akala ko ang hindi na dadaan pa sa oval pero ang turo ng marshall ay patungo sa oval.

6:30pm

Isang jump shot ko ang kinunan ni Doc Roy habang kami ay naglalakad at sabay umuna na siya. Mejo dumidilim na, ang araw ay unti unting tinatakpan ang dilim ng gabi kasabay ng pagkapagod ako at biglang nakaramdam ng sakit ng ulo.

jumpshot while finishing 100km

jumpshot while finishing 100km

6:40pm

“Doc sakit ng ulo ko” binangit ko na kay Doc E para magka ideya siya kung ano nangyayari sa akin, pinayuhan ako na huminga ako ng maayos. Sa kahaban ng Osmena Ave.  ay naglalakad ako ng nakapikit para magkapag pahinga at magreserba ng lakas sa huling hirit ko. Si Doc E ang taga manman ng oras at pace na kailangan para makaabot ng cutoff. Galing sa Osmena Ave. kumaliwa kami patungong heart break na tinatawag nila takbo ng ilang daang metro at pahinga pagtapat sa Bahay Kalinaw.

6:50pm

Isang pababang kalsada ang dadaanan namin at  sinabihan ko na si Doc Eric na takbuhin eto, ng masilayan na malapit na ang kalsada ay muling ako tumakbo na parang wala ng lupa (4:30mins pace)at dun namin inabutan si Doc Roy at sa puntong iyong ay may 10 minuto na lang ako para matapos ang karera ng nasa oras. Pagdatin sa dulo ng palusong na kalsada ay muli kaming nagpahinga.

6:52pm

Sa tapat ng Meralco Sub StationMay makailang beses ako tanong ng tanong kay Doc Eric kun anong oras na.  “Doc anong oras na”, sabay tugon ng “6:52”. “Tara Doc takbo na ulit”, habang tumatakbo kami ay aninag ko na ang mga ilaw ng katapusang guhit sa Ylanan,  pero bago pa kami makarating sa tapat ng Bahay ng Alumni ay nagpahinga kaming sandali.

Huling 300 metro.

Tapat ng Bahay ng Alumni, “Doc takbo na tayo till finish line”. Kanan kami ng Magsaysay Ave.  at sabay “Doc after ng finish line I need medical attention” habang tumatakbo ng hindi tataas sa baba na 6:oo mins kada kilometro.  Kaliwa sa Ylanan “Doc anong anong time na”, “Pat 6:56pm, abot tau” sabay huling sprint na wari koay umabot ng 5mins at sigaw ang malakas habang nagpapalakpakan ang mga tao at tila ba sinasabi nila “Good Job”.

salamat kay Doc Eric pra sa impormasyon ng huling 5km

salamat kay Doc Eric pra sa impormasyon ng huling 5km

Katapusan Guhit

Sinalubong ako ni Neville ng isang flash sa kanyang camera at sabay kamay sa akin. Sinabitan ako ng medalya sabay kamay na rin sa akin ni Mr Guarin at nakita ko rin naka upo na sila Rico, Julius, at George si Migs ay nakita ko rin dun.

17hrs 56 mins Botak 100 with the best pacer ever named Eric DeBelen

17hrs 56 mins Botak 100 with the best pacer ever named Eric DeBelen

may kasunod pa eto….

Running Safety Pin endured the trail and now the road. (Botak Paatibayan 100km 1st loop)

Posted in Running stories with tags , , on July 8, 2009 by vvinceth
Botak 100

Botak 100

 Oras bago ang Botak Paatibayan ni Running Safety Pin

Hunyo 27, 2009 pasado 8pm  ng binisita ko ang website ng Takbo.ph habang ako ay kumakain ng koko crunch doon ko inabutan ang mga kaibigan ko na walang sawang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin para matapos ko ang karera. Alas dyes ng gabi ay muli kong inaus ang aking mga gamit at nagpaalam na ako sa aking mga magulang.  Dumating ako ng 11pm sa Ylanan road na UP kung san naroon ang Start/Finish Line agad kung binigay ang aking mga gamit sa Baggage counter. Unang nakita ko si Sir Ronnie AKA runnerforchrist at sa hindi kalayuan ay nakita ko na rin si George at Rico. Maraming pamilyar na mukha ako na nakita na nakasali rin ng TNF 100. Habang papalapit ang simula ng karera ay isa isa ng ngadadatingan ang mga runners. Isang maliit na program ang hininda nila bago simulan ang karera at cyempre walang kamatayan photops(sa mga oras na ito eh wala pa ako ako magrab na picture sa starting line).

Takbo.ph @ Botak 100 (minus julius at doc sherwin)

Takbo.ph @ Botak 100 (minus julius at doc sherwin)

 

Botak 100 starting line

Simula ng una Ultramarathon sa Metro Manila

Ang unang 10k ay takbo sa loob ng UP na magsisimula sa Ylanan gate. Kasabay si Luis at bahagyang nasa unahan si Doc Sherwin at Charles AKA schlagger at nagpaiwan ang mga feista boys.  Habang tumatakbo kami ni Luis sa UP oval ay naabutan namin may nag aayos na pra sa GIG run panandalian kaming huminto pra kumuha ng litrato. Matapos ang kalahating oras na pagtakbo ay nararamdaman na namin ang ambon,  hindi  naglaon ay umulan na rin. Naramdaman ko na medyo nagugutom ako at iniwan ko ang mga energy bars sa basecamp gels lang at Gatorade ang laman ng hydration ko sinabihan ko si Luis na pagbalin namin sa basecamp ay kukunin ko un mga bars ko pra baon sa QC loop.  Habang kami ni Luis ay tumatakbo ay may sumasabay samin na mountainbiker at vinideo pla kami habang natakbo si Edmund or Raymond hindi ko natandaan un name. Matapos ang 1hr 9mins ay natapos ko na rin ang 10k, 90k na lang at mahaba-haba pa ang laban.

QC Leg Positive Splits ahh

Lumabas na ako sa Commonwealth habang si Luis ay nagpaiwan na muna sa basecamp. Habang  tumatakbo ako patungong Quezon circle at hindi pa kalayuan sa Ylanan gate ay may nakasalubong na ako lead car, si Desamito ang nasa likod nito (lintik ang bilis). Binaybay ko ang Commonwealt Ave. patungong circle at pagdating sa tapat ng McDo Philcoa ay umakyat ako sa overpass para tumawid sa kabila at umikot ng circle pero bago matapos ang pagikot ko sa circle ay binigay na sa akin ang unang bracelet ko. Magisa ako tumatakbo mula sa circle lumampas ako ng Tandang Sora, Ever at bago ako umabot ng Sandigan Bayan ay inabutan na ako ni schlagger at pagtapat namin sa Litex ay dito na namin nakasalubong si Desamito na pabalik na galing ng SM Fairview. Pansamantalang ngsabay muna kami ni schlagger at pagsapit namin sa entrance ng La Mesa Eco Park ay humulagpos na si schlagger at nagpati-iwan ako habang kumakain ng energy bar. Mula sa 6.30mins pacing, ay bumaba na sa 7.30mins-8mins pace mula ng KM22 mejo naramdaman ko na ang sakit sa paa ko hindi ko malaman kun dahil sa sapatos ko na hindi ko pa na break-in or dahil sa sunog pa talaga ako sa nakaraang TNF 100.

Kumanan na ako sa Regalado Hi-Way at dito ko na naramdam na kailangan ko ng pahinga. Hindi ko na kaya pang tumakbo sa parte na iyon power walk na lang ako at pag mejo may natitira pang lakas ay bahagyang tumatakbo ako. Bago ako dumating ng SM Fairview kung saan ang turning point dito ako naabutan ni Isko at sabay bulong sa akin “Pat wag ka munang bumuhos maaga pa, mahaba pa ang karera”. Nakipace muna ako kay Isko pero sa pace ng 7.30mins ay mejo hindi ko siya masasabayan ng derecho dahil sumasakit ang aking mga paa. Pagdaan namin sa aid station ay kumuha ako ng saging na saba. Hindi ko na naubos ang saging dahil sa pakiramdam ko ay iduduwal ko lang ang saging. Pabalik na ako sa Quezon Circle at naglalakad sa kahabaan ng Regalado Hi-way ng isa isa ko ng nkasalubong sila Luis at ang mga Fiesta boys. Masakit na masakit na ang paa ko at sinabi ko na sa sarili ko na mula sa kanto ng Commonwealth at Regalado Hi-Way ay power walk na lang. Ilang mga runners rin ang lumagpas sa akin at hinikayat ako ng magjog pero hindi na kaya ng paa ko.

Tuluyan ng bumaba sa 9mins ang pacing ko. Habang naglalakad ako papuntang Sandigan Bayan nagtext na sa akin ang pacer ko na si Denz at nagtanong kung nasaan na raw ako, sinabihan ko na lang siya na mag abang na lang sa basecamp. Matapos ang isang oras na lakaran ay muli ko nasilayan ang Ylanan gate na UP pero kailangan ko pa ulit umikot ng Quezon Circle. Sa tapat ng McDo Philcoa bago umakyat ng overpass ang nagkita muli kami ni Isko at sinabing nagkita raw sila ni Denz. Pabalik na si Isko papuntang basecamp at ako ay may humigit kumulang ng 3km pa bago ako makabalik dun. Pagkatapos ko umikot ay nakasalubong ko sila Rico at Mylene at sa di kalayuan ay si George. Ilang saglit pa ay nakasalubong ko na rin si Ronald at sinabihan ko na “ubos na ako, hintayin ko kayo sa basecamp pra sabay-sabay na”. Bago ko makarating ng Ylanan gate ay nkasalubong ko na si Luis at sa itsura nya na un ay mahihirapan na siyang ituloy pa ang 100k. Konting encouragement at ayun tumuloy muli si Luis. Pagdating ko sa Ylanan gate ay dun ko na natagpuan ang aking pacer.

Rest muna bago ang 55km

Natapos ko ang 45km sa loob ng 6:18mins kinailangan ko magpahinga dahil naubos ang lakas ko sa unang parte ng karera(strike 2). Bago pa ako makaupo at magpahinga ay nilapitan ako ni Neville at kinamusta sabay niyaya na kumain ng lugaw ganun rin si Ian. Habang nagpapahinga ay kumain muna ako ng lugaw katabi ang isa pang TNF 100 Finisher na si Jigs. Konti kwentuhan kodakan, cheer sa mga runners na parating sa basecamp. Ilang saglit pa ay natapos na nila Doc Sherwin at schlager ang kanilang 50k samantalng kami ay halos magsisimula pa lang ang kalbaryo namin. Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay nagdatingan na ang mga tga takbo.ph na tumakbo sa GIG run na mangyari ay sa UP rin ginanap. Malaking tulong para sa akin na malaman ko na may sumusuporta o nag-aksaya ng panahon para lamang icheer ako sa aking karera. Photo Ops ang nangyari sa basecamp pagdating ng Takbo.ph peeps.

running safety pin with runningpinoy

running safety pin with runningpinoy

 

running safety pin with bunny

running safety pin with bunny

 

Takbo.ph represent

Takbo.ph represent

 

 

salamat ronald at marvin sa mga litrato

Botak Paatibayan 100km: I endured the trail, will I endure the road?

Posted in Running stories with tags , , on June 20, 2009 by vvinceth

Nang matapos ko ang TNF 100 ay naiisip ko na kaya ko pala tumapos ng isang madugong karera. Isang karera pa ang gusto ko na salihan ngunit nag alinlangan ako na hindi ko matapos dahil sa isang buwan lang ang pagitan matapos ng TNF 100. Inisip ko na 50km muna ang takbuhin ko sa Botak Paatibayan. Si Ronald na nakasama ko sa TNF 100  ay sinabi nya na tatakbo siya ng 100 at hinikayat na rin ako na 100 na rin ang takbuhin ko. Mejo may kamahalan ang reg 1500php sa lahat ng ultra distance, napaisip na rin ako na kun 50km ang tatakbuhin ko eh baka mabitin ako(yabang hehehehe) at inisip ko rin na subakan ko muli ang kakayanan ko sa pagbata.

Botak Paatibayan

Botak Paatibayan

Dalawang lingo bago ang Botak Paatibayan ay nagparehistro na ako sa R.O.X. at nagulat ako na wala pang bib number pero ang singlet ay pasadya at ilalagay mismo dun sa singlet ang ngalan mo. Tumawag ako sa tanggapan ng Botak para palitan ang ngalan na ilalagay sa singlet at dun ko rin nalaman na ikaw ang mamimili ng numero na gusto mo. Number 1 at 100 ay nakuha na kung kaya’t 69 na lang ang kinuha ko(hehehe). Ang ruta ay magsisimula sa UP dadaan ng SM Fairview at pabalik sa UP at dadaan naman sa Marikina at muling babalik sa UP.

Botak Paatibayan Map

Botak Paatibayan

Ang kikitain ng karerang ito may mapupunta sa rehabilitasyon ng UP Track Oval. May 50km, 10 mile, 5mile at 1mile rin na karera.

Isang lingo na lang ang nalalabi para sa Botak Paatibayan.