Running Safety Pin’s 3rd loop of Botak 100

3rd loop?

Matapos ang 17hrs 56 Mins ay nakatawid na rin ako sa katapusang guhit pero ako ay naka ramdam ng pagkahilo matapos noon. Ang malupit kong pacer na si Doc Eric ay dali daling sinabihan sila Neville at Mr. Guarin na kailang ko ng attensyon medical. Ako ay inalalayan patungon sa isang ambulansya na nakatigil malapit sa katapusang guhit na kung saan ay pinahiga ako at binigyan ang hangin. Ipinikit ako ang aking mga mata dahil sa parang ayaw tumangap ng liwanag ang aking mga mata at sinasabi sa akin “hoy matulog ka na”. Sinabihan ako ni Doc Eric na dehydrated na ako ngunit pilit ko tinatangi na hindi pa dahil umiinom naman ako kahit papaano. Laking pasasalamat ko at may pacer ako na katulad ni Doc Eric. Habang ako ang nagpapahinga sa loob ay tinanong ako kung gusto ko bang magpadala sa hospital ngunit ang sabi ako ay hindi n kailangan kontin pahinga lang ako kasi mejo napagod at mejo puyat ako bago magsimula ang karera.

Lumabas muna saglit si Doc Eric para hanapin si Doc Roy at Bongyu na biglang nawala. Bumalik si Doc Eric kasama ang dalawa ko pang malulupit na pacer si Doc Roy nanaligaw at nagtanong sa vendor kung saan ang katapusang guhit at si Bongyu na inalalayan raw ang nahuhuling dalawang mananakbo. Habang tumatagal ako nakahiga ay tila lumalala ang pakiramdam ko, naduduwal ako na parang hindi naman. Pero nakuha ko pang magtext sa mga kaibgan ko na nagtatanong kung natapos ko na ang karera, ‘Botak 100 is finished’ tugon ko sa mga nagtatanong sa akin.

Sinisingil na ata ako ng katawan ko dahil imbes na gumanda ang pakiramdam ko ay lalo pa atang lumala ang lagay ko habang nagpapahinga ako. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong naduwal, pero wla akong maiduwal. Muling sinabihan ako si Doc Eric, ‘Pat dehydrated ka, gusto mo padala ka na sa hospital’-‘Doc kaya pa naman pahinga pa ng konti’. Maya maya pa ay pinulikat na ang binti ko gusto kong sumigaw sa sakit ngunit inisip ko baka gumawa lang ako ng eksena. Hinawakan ni Doc Roy ang kaliwang paa ko at tinulak para mawala ng pulikat. Nagpasya na akong magpadala sa hospital para malaman ko na rin kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin at makapagpahinga na rin ng maayos.

sakit ng ulo ko...

sakit ng ulo ko...

Fe Del Mundo

Pagdating namin sa ER ng Fe Del Mundo Hospital ay inalam nila ang kung ano ang nangyari sa akin. Habang nagkukwento ako na tumakbo ako ng 100km ay hindi sila makapaniwala. Dinaing ko ang sikmura ko na ayaw na tumangap ng pagkain at tubig habang ako ay tumatakbo. Sa sobrang wasted ay hindi ko na matandaan ang mga usapang ng mga Doc dun sa ER. Tinurukan nila ako ng Dextrose para mabilis na mapalitan ang tubig na nawala sa katawan ko. Matapos mailagay ang swero bahagyang bumuti ang lagay ko. Habang nagpapahinga ay hindi nakalimutan ang photo ops kulang na lang ay banner ng Takbo.ph.

with my pacers at fe del mundo

with my pacers at fe del mundo

Nagpasya na ako magpahiniga sa ospital para kahit papano may mga nurse na nag aalaga sa akin. Habang wala pa ang aking magulang ay sinamahan muna ako ng aking magigiting na pacer at nagkwentuhan at syempre hindi mawawala ang photo ops.

adik?

adik?

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga magulang ko na magbabantay sa akin at syempre sermon ang abot ‘baket kasi tumatakbo ng ganyan kalayo’. Oras na rin para magpahinga ng aking magigiting na pacer na napakalaki ng utang na loob ko  (kay Doc Eric at Doc Roy at ang malupit na si Bongyu muli salamat).

Sinimulan ko ng replyan ang mga mensahe sa aking cell phone, tumaba ang puso ko dahil marami pala ang concern sa akin(muli puso lang tumaba sa akin pero ako mismo hindi tumataba). Kilala nyo kung sino sino kayo. Sa mga nag aksaya ng oras Jacq,Vivie, Adrian, MyHoffness na kumuha ng larawan ko with my nurses at Lorie para sa food, Anne, Rhovee, Troy maraming salamat sa lahat ng concern at tumulong kay Running Safety Pin SALAMAT.

pat's angels

pat's angels


ARAL: uminom ka ng tubig……..

2 Responses to “Running Safety Pin’s 3rd loop of Botak 100”

  1. UltraPat, kakatakot naman yang nangyari sayo. Thanks for sharing, glad you’re now stronger than ever. At least ang dami palang nurses mo, alagang alaga ka pala. hehehe

  2. wow! very interesting ang kwento mo at may halo pang comedy. But very informative for those na new comer like me. para ma avoid ang ganyang moment. Thanks sa idea. Goodluck! and keep it going!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: