Ang istorya ni Running Safety Pin sa TNF 100 (unang bahagi)

The Running Safety Pin @TNF 100

Sakto ika isa ng umaga ng mag alarma na ang aking cell phone.  Ako ay bumangon at kumatok sa kabilang kwarto para gisingin sila, pero hindi na pla kailangan dahil sa sila ang hindi ata natulog.  Pumunta ako sa kantina pra silipin kung nakahanda na ang aming agahan at pagkarating ko doon ay napansin ko na agad ang mga plato na nagalalaman ng aming agahan na nakasalansan. Bumalik ako sa aming kwarto pra sila ay sabihan na ang aming agahan ay naghihintay na. Bumangon na ang lahat at nagsipag ayus na ng kanilang mga sarili pra sa agahan.

before TNF 100

before TNF 100

The Running Safety Pin before the TNF 100 Start

The Running Safety Pin before the TNF 100 Start

Ikalawa at kalahati ng umaga ng dumating ang kaibigan ni Ronald na ngmagandang loob na kami ay ihatid mula sa aming official hotel papuntang basecamp.  Makalipas ang ilang minutong byahe ay nkarating na kami sa basecamp wala pang alas-tres ng umaga ng mga oras na iyon at iilan-ilan pa lamang ang mga tao dun. Matapos na kami ay magpacheck ng aming mandatory equipments ay dineposit na namin ang aming gamit sa baggage counter. Streching dito streching dun, picture dito picture dun, “uy pre good luck sa atin”, “pre kita kits sa trail” mga eksena habang hinihintay ng gunstart. Nakpwesto kami sa unahan para sa mga photo ops maya maya pa inawit na ang “Lupang Hinirang” at nag simula ang ang countdown.  Huling check ng mga gamit blinker, headlamp, hydration may tubig ba, nakasintas ba ng maayos ang sapatos at huling .  Count down na 10 – 9 – 8 – 7 – 6 – 5  (eto ang un 3 months na pinaghirapan ko at wala ng atrasan eto) 4 – 3 – 2 – 1  TNF 100 is off…….

sacobia-sitio-map

TNF 100 Map

Ako, Denz, Glenn ang unang magkakasama from basecamp papuntang tulay ng Sacobia,  1km ang layo nya at ito ay sementado na kalsada at tumatakbo kami sa pacing ng 6mins pag pasok namin sa ilog ay mejo dun na nagsimulang bumagal ang pacing namin (8mins) .  Madilim pa ng mga oras na iyon mahirap makita ang mga trail signs na magtuturo sa amin ng mga direksyon ang tanging ilaw na makikita mo ay ang ilaw ng mga headlamp at ang mga reflector ng sapatos, hydration.  Hangang sa nakakita ako ng mga ilaw na pabalik, isa lang ang dahilan kung baket sila bumalik at iyon ay ligaw. May sumisigaw “ilabas nyo ang trail sign” ang iba naman ay sunod lang sa agos kung san ang marami sunod lang (kasama na ako) makalipas ang paghahanap sa mga banderitas ay nakita na namin ang tamang daan at hala bira ulit. Mabuhanging ang riverbed sa umpisa ay naiirita ako sa mga buhangin na pumapasok sa loob ng medyas ko dahil sa wala akong gaiters pero nasanay na rin. Bandang 7-8km, ang tubig ay lampas na ng sakong at sigurado na mababasa na ang sapatos mo. Hinto, Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa walang ng ibang daan kundi ang  daan na nsa harap ko (shit ayaw ko sana mabasa ang shoes ko pero no choice, charge!!!!). Humigit sa 1km ang haba ng daan na yun na lubog ang aking paa tubig.  Sa puntong iyon ay hindi ko na makita sa likod si Glenn at Denz at sa unahan ko ay nkita ko si Retzel (quixilver).

Matapos ako magtampisaw sa tubig ay narating ko na ang Haduan Loop na tinatawag nila. Simula na eto ng kalbaryo ko sa TNF 100. Pag pasok ko sa Haduan Loop ay fresh pa ako at sa tancha ko ay 8-9mins ang pacing, may 3 oh 4  ilog ako natawid at ilang matinding ahon rin ang nadaanan ko sa loop na yun at dun ko rin inabot si Christian(Infinity). Sa sobrang tarik ng mga ahon sa loop na iyon mejo naubos ako hindi ko naman mabawi sa pababa un nawalang oras ko sa ahon dahil sa sobrang delikado para sa akin kung magmamabilis ako at baka damputin ako derecho sa baba. Kulang ang sa isang oras ang inabot bago ako makalabas loop na yun, nakita ko ang sirang tulay na dinaanan rin namin noon bago pumasok sa Haduan loop at sa kabila ng tulay ay ang AS 1. Tanaw ko pa si Retz ng mga oras na yun at may mga ilan pang runners, takbo ako ulit papunta sa AS2 pero bago ako makarating ng AS2 ay kinailangan ko munang dumaan sa MP7, MP9. Sa MP7:  “sir ano number nio” , “6476, kuya san un daanan”, “sir yun paakyat na trail na yan derecho lang”. Isang ahon na naman siya at sa oras na eto ay ramdam ko na ang pagod panay ahon ang may pangilan-ilan patag. Pasado alas-syete ng marating ko ang AS2, nagpahinga muna ako at doon ay kumain ako ng para mapalitan ang mga enerhiyang nawala sa akin. Makalipas ang limang minuto ay nag ayus na ako at muling naglakad(wala na akong powers pra tumakbo naubos sa Haduan Loop) sa isang mahabang trail at mejo patag, mapuno at malamig ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad sa kawalan ay narinig ako ang cell phone ko, dinukot ko sa aking hydration at sinagot ko ang tawag. “Pat kamusta ka na” ang sabi ng aking kaibagang tatlong beses nabigo sa pagibig, “ok naman nasa KM 20 na ata ako” – “Pat galingan mo cause I’m proud of you”“Salamat subukan kong tapusin”“Good luck Pat”. Matapos ang maigsing usapan ay nakita ko ang mga text message nila sa akin na nagsasabing galingan ko, tumaba ang puso ko sa mga mensahe nila (pero ako hindi pa rin tumataba) at lalo ako napush tumapos. Narating ko ang MP10 matapos ang mga kalahating oras ng lakaran at muling naglakad at paminsan minsan ay tumtakbo.

Isang baril ang kita ko sa daan at ako ay kinabahan sa puntong yaon, biglang isang army ang bumati sa akin sabay bati na rin ako “Magandag umaga po” at ng makaraan ako ay nakita ko pa ang iba nyang kasamahan Full Battle Gear sila. Nagmadali akong lampasan sila sa isip ko na baka biglang magkaroon ng enkwentro, hindi ko malaman kung pano ako dadapa nun at malamang tapos ang karir ko. Sa isang ilog nandun ang MP11, ngpahinga ng konti ang nagtangal ng buhangin sa aking sapatos. Isang walang puknat na ahon ang dadaanan ko pra makarating sa MP 12 inabutan ako ni Gin sa parteng iyon. Pasado alas-nwebe na yun at ramdam ko na ang init, matapos ko marating ang tuktok ng ahon na yun ay nilabas ko na ang aking munting sombrero at arm guard pra proteksyon ko sa init. Sa MP12 binigay sa akin ang unang bracelet,  sa di kalayuan ay tanaw ko ang mga naunang runner at ang trail(ridge) na sobrang expose sa araw. Grabe ang init, naubos na ang tubig na baon ko na pangbuhos sa ulo at katawan ko nagkita kami ulit kami ni Chris sa sa ridge at doon ay nagkwentuhan kami habang nglalakad kasama pa ang isang runner na hindi ko nakuha ang pangalan. May nakasalubong kaming marshall at nagtanong kung malayo pa ang susunod na MP sabay turo nya ng trail na kung saan ay papababa at sabay bangit nya na “pagbaba nio sir may ilog MP 13 na un” nauna na si Chris at ako ay humabol na lang. Nakarinig ako ng agos tubig, senyales na may ilog at hindi naglaon ay nakita ko ang ilog. “Pat e2 na un hinihintay mo” sabi ni Chris na nakaupo sa gilid ng ilog at nagtatampisaw pero bago ako makitampisaw sa ilog ay dumaan muna ako sa MP 13. Nilinis ko muli ang sapatos, nagtangal ng mga bwisit na buhangin, at sabay naligo. Matapos nun ay iniwan ko na si Crhis ng naliligo at nagsimula na ulit ako lumakad-takbo sa isang patag na trail sa gilid ng ilog. Isang ilog muli ang tatawirin ko para marating ang MP14 at pagkarating ko sa ilog na yun natanaw ko na agad ng marshall ng MP14 hindi na ako lumapit sa kanila bagkus ay isinigaw ko na lang ang numero ako.

Barangay San Martin ang nkakasakop sa lugar ng MP14 at maraming nakatira dun, habang ako ay naglalakad ay halos lahat ng makasalubong ko ay napapatingin sa akin at pakiwari ko ay tinatanong nila ang sarili “san kaya nangaling eto”, “ano kaya ginagawa nito rito” ang iba naman ay nagatatanong “San nagsimula ang marathon” (at least aware siya na may event) at may sumigaw pa na “kuya halo-halo” nginitian ko na lang siya kasi baka maya eh masira ang tiyan ko pero inisip ko na pwedeng un yelo na lang ilalagay ko sa katawan ko. Isang grupo ang nakita ko sa hindi kalayuan at nang tumapat ako sa kanila ay sinabi “sir konti na lang AS 3 na, go go go” mejo nabuhayan ako ulit at mejo tumakbo ng konti at sa wakas AS 3 na.  Sa AS3 ay nag check in ako muli at kumuha ng tubog sa bahay buhos sa ulo at katawan. Nagpahinga muna ako sa isang papag at kumain na rin dahil mejo naramdaman ko na ng gutom sa oras na yun pasado alas-dyes na rin kasi yun. Maya maya pa ay tumayo na ako at muling naglakad pababa sa MP 15  at ang isang marshall dun ay kilala ko pa siya at naging instructor ko sa Power Up Pasig si Tom. “Man Solo or Relay” “Solo”“Pat ang lupet mo solo ka”-pabiro kung sinabi “papakamatay na ako”. Habang naguusap kami ay natatanaw ko ang iba na umaakyat, sa isip ko “shit paahon na naman” tumawid na ako ng ilog para simulan isang akyatang wlang puknat may ilang runners rin ako naabutan sa parte ng yun at pagdating sa tuktok ay MP16 na at nkuha ko na ang ikalawang bracelet. Nagpahinga ako ng saglit at kumain ng energy gel dahil mejo mahirap yun inakyat ko. Matapos ang ilang saglit ay naglakad na ako muli at habang nagalalakad ako ay nagring na naman ang cell phone ko at pagsagot ko ay si Rodel kinamusta ako kung nasaan na ako sinabi ko nsa 30-35km na ako muli ako ngcheck ng mga mensahe ko sa cell phone at wala …..  Matapos ko madaanan ang MP17 at bumaba sa matarik na trail na kinailangan mong humawak sa tali para hindi ka dumerecho sa MP 18 at magalakad ng kulang sa isang KM ay narating ko na rin ang AS4 sa wakas ang makakapag refill na ako dahil nsa AS4 ang drop bag ko na naglalaman ng mga ibang gamit ko.

Sa AS4 ay nagregrup na ako ng sarili ko hahahaha.  Naligo ako ng Maynilad mineral water, kumain ng sausage at Proteon na energy bar, uminom ng Pocari Sweat, nagrefill ng Gatorade, at nagalis ng buhangin. Ramdam ako na ang pagod sa sandaling iyon at hindi ko na hinintay na tamarin pa ako kaya inayus ko na muli ang mga gamit ko at nagsimulang lumakad bago ako umalis ay kararating lamang ni Chris sa AS4 at nasira na ang sapatos nya. Dito na ako nagsimulang sumuko, isang mahabang lakaran sa ilalim ang bandang araw alas-dose na ng tanghali. Bitbit ko ang ang isang pocari sweat at isang mineral water na pang buhos ko sa katawan at ulo ko nagpatuloy ako sa paglalakad hangang sa marating ko ang isang kanto, umupo ako doon sa silong ng puno at nagpahinga kasama ang mga locals dun.  “Kuya pang 37 kau” sigaw ng isang bata sa hindi kalayuan sa puno, nagulat ako dahil sa chaga nilang bilangin ang mga dumadaan na runner.  Inabutan ako ni Chris na namamahinga sa ilalim ng puno ksabay nya ang dalawang HongKong nationals na dumayo para makasali sa karera. Hindi na sila tumigil at sinundan ko na rin sila at dun na nag simula ang kalbrayo ko. Dumaan kami ng MP19 para makuha ang ikatlong bracelet at naglakad sa ilalim ng tirik na araw hangang sa naubos na ang tubig na pambuhos ko sa katawan. Naramdaman ko na na puro paltos na ang paa ko, at iniisip na puro sugat na dahil sa sobrang babad sa tubig. Napadaan kami sa isang tindahan at doon inabutan na ngmemeryenda ang isang runner at inaya kami magsoftdrinks muna ngumiti lang kami at nagpatuloy sa paglalakad. Mahigit na 2 na KM ang kailangan namin lakarin para marating ang MP20 at kinailangan pa naming dumaan sa bagamat sementadong kalsada ay paahon naman siya, naglalaro na sa isip ko ang tatlong letra DNF matapos ang ilan pang minutong lakaran ay narating na namin ang MP20 at ibinigay sa amin ang ika-apat ng bracelet. Nagpaiwan muna ako para silipin ko ang paa ko dahil sa sobrang sakit na at nararamdaman ko sugat-sugat ito. Inalis ko muna ang buhangin sa sapatos at inalis ang medyas at pagtingin ko ay sobrang puti na nag paa ko at 2 kuko sa paa ay dedz na. Sinuot ko ulit ang medyas at sapatos hindi na muna ako ngpalit ang medyas dahil sa may isang ilo pa raw kaming tatawirin, hinabol ko na sila Chris. Mabuti na lang at mej0 mapuno ang daan na iyon at hindi kami masyadong naiinitan ilang minutong lakaran pa ay narating n namin ang MP 21 mula doon ay tanaw ko na ang dike na dadaanan namin at feeling ko ay bibigay na talaga ako dahil sa sobrang init at walang silong kang madaanan. Mahigit sa isang KM ang lalakarin para makarating sa MP22 at trail na dinaanan namin ay isang mabuhangin na daan at buti na lang may sombrero ako at arm guard. Tirik na tirik si haring araw at animo’y kandila ako na nauubos habang naglalakad ubos ang ang tubig na dapat ay pambuhos ko sa aking ulo at katawan. Tiniis ko na lang ang init hangang sa marating na namin ang huling ilog, hinubad ko ang akin msapatos at medyas pra hindi na mabasa pa ang tuyo ko ng sapatos. Tinawid ako ang ilog na nkapaa lang at pag dating ko sa kabilang banda ng ilog ay hinugasad ko muna ang putikan paa ko. Humingi ako ng extra tubig ni Chris pero isang paa lang ang nahugasan ko, wala na ako choice kundi hugasan ang isa ko pang paa gamit ang Pocari Sweat mejo malagkit siya pero pinunasan ko na lang ng tissue. Nilampasan ako ni Neville, Michelle at isa pang runner na hindi ko nakuha ang pangalan. Ilang sanadali pa ay bumalik na ako sa paglalakad.

MP23 inabot sa akin ang huling bracelet pra sa unang loop mga ala una ng tanghali yun. Pagtingin ko sa dadaan ko ay tila walang hangan ang kalsadang tatahakin ko. Mejo malayo na sila Chris ngunit tanaw ko pa rin sila. Habang ako’y naglalakad ng magisa ay pumasok na sa talaga isip ko ang DNF dahil sa sobrang pagod at init. Inisip ko na hindi ko pa tapos ang unang loop (8km to the base camp pa) eh wasted na ako ano pa mamaya. Isang text ang natangap ko, isang kaibigan ang nagsabing “Good Luck” at sabay nabasa ko ang text ni Mar AKA Pojie sa Takbo.ph at pinupush ako pra sa finish. Sa mga oras na yun pinaghalong pagod at emotional stress na ang kalaban ko, nagtext ako kay Pojie ng “lapit na ako mag-DNF ” habang ngrereply ako sa isang text message ng isa pang kaibigan ay tumawag si Mhel.  “Pat what happen”“Mejo hindi ko na kaya” tapos narinig ko sa background ang ibang boses na nagsasabing “Pat ipace mo lang sarili mo”, “Kaya mo yan go go go” naka speaker phone ata ako mejo napukaw nila ang loob ko at mejo lumakas ang loob ko at nahiya sa kanila.  May sarili rin silang race sa Bagiuo kinabukasan pero naisinip nila na icheer ako buti na lang mababait ang mga taga Takbo.ph. Matapos nun ay isang tawag ulit ang natangap ko mula kay Danno “Pat san ka na”“Dito pa lang mga 8kms para matapos ang unang loop”“adik ka Pat hindi ka pa rin tapos”“malayo pa ako”“Good luck Pat kaya mo yan”.

Long road to basecamp

Long road to basecamp

Isang text message ang natangap ko mula sa isang kaibagan na tungkol sa kuneho at kilala mo kung sino ka, matapos ko mabasa yun ang tumulo ang luha ko hindi ko alam kung baket, dahil sa hirap at pagod, sobrang touch ako sa mga kaibagan ko na nag-aksaya ng panahon para lang icheer up ako, oh dahil sa iba pang dahilan. Nagkaroon ako ulit ng konting lakas para tumuloy sa basecamp. Bago ako makaratong sa basecamp ay nakasalubong ko si Thumbie “Solo o Relay”“Solo” napamura na lang siya, magsisimula na sya pra sa 2nd loop nya. Alas-tres y medya ay dumating na rin ako sa Basecamp.

salamat Denz sa litrato…

4 Responses to “Ang istorya ni Running Safety Pin sa TNF 100 (unang bahagi)”

  1. tunay kang bangkero hahaha ang haba ng kwento mo, at puno ng buhay.
    minsan lang ay mahirap sundan ang lalim ng iyong pananagalog pero keri lang. hahaha.

    “sa mga oras na yun pinaghalong pagod at emotional stress na ang kalaban ko, nagtext ako kay Pojie ng “lapit na ako mag-DNF ” habang ngrereply ako sa isang text message ng isa pang kaibigan ay tumawag si Mhel. “Pat what happen”-“Mejo hindi ko na kaya” tapos narinig ko sa background ang ibang boses na nagsasabing “Pat ipace mo lang sarili mo”, “Kaya mo yan go go go” naka speaker phone ata ako mejo napukaw nila ang loob ko at mejo lumakas ang loob ko at nahiya sa kanila. May sarili rin silang race sa Bagiuo kinabukasan pero naisinip nila na icheer ako buti na lang mababait ang mga taga Takbo.ph.”

    epiko itong eksenang ito. habang kami’y nag pipicture-taking, bigla ka namang nanghihinayang sa kapaguran. hehe🙂 tawag kami agad. ewan ko kung nariririnig mo kami nila lau nag sasabing “go bunny” kaya mo yan! hehehe🙂

    asan na ang larawan ni bunny?

    asa ikalawang yugto pa ba? aming aabangan…

  2. Natawa ako sa linyang ito ah: “tumaba ang puso ko sa mga mensahe nila (pero ako hindi pa rin tumataba)”

    Pat, in Baguio we were cheering you on, pero di namin akalain ganon pala ka-grabe pinagdaanan ninyo – meron pang ipo-ipo at pamatay pala talaga yung Haduan Loop. But we are very proud of you.

    Ang galing mo. Physical at mental challenge pala talaga ang ultra trail. In our own very small way, we are happy to be part of your personal achievement.

    You inspire us all.

  3. isa kang alamat! (pat d alamat! puwede diba?).
    hindi ko lubusang maisip kung gaano kahirap ang karerang ito. nalulula na nga ako pagnakikita ko ang TNF 100. 20k nga, to the highest level na para sa ‘kin. itayms 5 mo pa! at sa paglalahad mo ng iyong pinagdaanan, tunay ngang 100 sya — tayms 100 pa pala ang hirap! pero natapos mo siya. nalampasan mo ang mga balakid, ang hapo, ang halos-pagbitaw, at sa kahuli-hulian, napagtagumpayan mo ang iyong sarili. kaya humahanga kami sa iyo nang may halong pagkamangha. sino’ng mag-aakalang ang mala-pardible mong wangkata ay gawa pala sa adamantium — adamantium na safety pin, why not! nalolokah tuloy akong isipin kung ano pang lakas at kakayahan ang abot ng katawang mong yan. but before my imagination gets wild, muli isang maalab na pagbati p’re! wala rin akong masabi sa pagkwento. buhay. madamdamin. nahipo nga ako (natouch). abangan namin ang kasunod. padayon.

  4. Saludo ko sayo Pat! hindi ko pa kaya ang pinagdaanan mo….marami pa kong bigas na kakainin (kahit mukang mas marami na akong nakain sayo – – literally🙂 )
    I didn’t think the track would be that hard but I’m sure it made your journey more fulfilling…Congratulations parekoy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: