Bago ang Buong Maria ni The Running Safety Pin

Simula ng ako ay manakbo noong Enero taong dalawang libo’t siyam, isang sa mga pangarap ko ay makatakbo ng Buong Maria (42.195KM) ngunit may ilang mga balakid sa mga pangarap ko. Hindi ko pa alam kung anong karera ang sasalihan ko para sa una kong buong maria at paano ako mageensayo. Pebrero ng taong ring yun ng ianunsiyo ng The North Face ang TNF 100 Sacobia, ako ay nagensayo para sa karerang iyon at ang pangarap ko na tumakbo ng buong maria ay natabunan. Isang araw may isang paksa sa Takbo.ph ang pinagdidiskusyunan ito ay tungkol sa Standard Chartered Singapore Marathon,  naisip ko bker hindi na lang kaya ito ang gawin kong una ko buong maria. Matapos ang tatlong ultra TNF 100 Sacobia, Botak 100, TNF 100 Singapore Duo at isang magandang pagtatanghal sa Youtube sa wakas matutupad na rin ang pangarap ko.

Ako, Denz, Carina, Pepsi at si Edu ay sabay-sabay na bumiyahe patungong Singapore noong December 4 at tanda ko pa na sakay rin ng eroplanong iyon si Jael Wenceslao at ang Team Fitness First. Ang ibang kasamahan namin  ibang eroplano ang sinakyan. Matapos ang hindi tatagal sa apat na oras ay narating rin namin ang Singapore. Sa Changi Airport Terminal 2 ng Singapore lumapag ang eroplano ng PAL na sinasakyan namin. Pagbaba namin sa eroplano ay magKodakan sana kami pero sinita kami ng gwardya, bawal pala ng kodakan. Gaano kasabik kami sa SHOUT BOX pagmasadan na lang ang larawan sa ibaba.

kodakan

kodakan

SHOUT BOX ba kamo??

CP 2?? tapos na yun Singapore Expo ang next ng check point

Matapos ang kodakan ay tinungo na namin ang Singapore Expo kung saan doon namin kukunin ang aming Race Kit at doon rin namin tatagpuin ang ilang pang kasamahan namin. Pagpasok namin sa loob ng Expo ay nagulat ako sa nakita ko walang mahabang pila at sila ang naghihintay sayo para kunin mo ang race kit mo. Hindi tumagal ng limang minuto ang pagkuha ko ng aking race kit matapos noon ay bumili na rin ang ng tiket para sa shuttle service dahil sa ako ay titira sa inuupahan bahay ng aking kaibigan na nataong medyo malayo sa lugar kung saan magsisimula ang karera.

Race Kit Distribution

walang pila? ay..

ang dali naman walang challenge

race kit ko po(Michelle Estuar sa tabi ko)

Nakuha ko na ang lahat ng kailangan ko para sa aking unang maria oras na para maggal muna habang hinihintay pa ang iba pang kasamahan namin. Sa tabi nito ay may isang exhibit ng mga sponsor para ipakita nila ang kani-kanilang mga produkto at may mga nabenta rin. Isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko at eto ay ang bisikleta ng Fuji, eto ay ngkakahalaga ng 4000 sa pera ng Singapore. Ilang minuto ko pinagmasdan at sinabi sa sarili na magkakaroon rin ako nyan balang araw. Hindi nagtagal ay dumating na rin sila at nagkitakita na rin kami. May namili ng mga kung ano-ano at ibang ay namiling bintana. Matapos kaming mahilo at mapagod kakaikot sa loob at matapos ang walang katapusang kodakan ay nagpasya na kaming kumain ng tanghalian sa katabing food court na habang kumakain kami ay inulan kami. Matapos ang maulang tanghalian ay oras na para kami ang magtungo sa mga dapat namin patunguhan para makapagpahinga.

toy bike

kodakan

new balance

new balance

umuulang pusa at aso

ang tagal namang ng train

rix bawal kumain sa train, pero masarap ata yan

Nang gabi ring iyon ay nakaroon kami ng CLP oh Carbo Loading Party sa Funan(gadget center ng Singapore) at doon ay kasama na sila Doc Eric at Doc Pinks. Nahuli ako ng dating dahil malayo pa ng pinangalingan ko mga 10kms mula sa Funan. Kwentuhan habang kumakain at walang katapusan pagpaplano kung ano ang gagawin habang nasa Singapore. Matapos ang hapunan ay tumungo kami sa Clark Quay, isang lugar na magandang tambayan pag ikaw ay nasa Singapore. Isang atraksyon doon ay ang reverse bungee at at G-Max swing, niyaya ko sila ng subukan yun pero walang naglakas ng loob. Ang deal: una kakaing muna, pangalawa iinom ng beer/alak tapos sasakay ng reverse bungee at G-Max swing lahat ay ako ang magbabayad. Nilibot namin ang Clark Quay pero isa lang ang hindi ko nagustuhan sa doon at eto ay ang Hooters nila, baket ka nyo? Ang kanilang mga serbedora at literal na serbedora. WTF!! Hindi mo pwedeng ikumpara ang Hooters duon sa Hooters natin dito sa MOA dahil magmumukhang yaya ng mga serbedora ng MOA ang serbedora dun. Para sa akin hindi ko masasabing kumpleto ang byahe ko sa Singapore ng hindi ko natitikman ang DIRTY ICE CREAM tama dirty ice cream bket(tignan ang larawan). Naalala ko pa Noong una ako pumunta ng Singapore para sa TNF 100 Singapore Duo kasama si Ronald, habang kami ay naggagala sa China Town ay may nakita kaming nagtitinda nito dahil sa bahagyang gutom kami ay minarapat na naming bumili at tikman ang tinaguriang dirty ice cream:

Iris: How much?

Uncle dirty ice cream: 1 dollar

Iris: give us three

(dumanpot ng isang bareta ng ice cream at hiniwa eto na walang gwantes at hindi alintana kung san man siya humawak  o kaya kung ano man ang kinamot nya. ang saraaaapppp)

(tinangal ang balot ng ice cream at kumuha ng wafer at ipinalaman ang ice cream)

(kumuha ng plastic binalot ang dirty ice cream with free of you know, pero diba at least binalot pa sa plastic)

Ronald: sarap nito

Me: yan ang dirty ice cream

Sinabi ko sa kanila yun at ng makakita kami, hala bili at habang inihahanda ni uncle ang masarap ng dirty ice cream kinukwento ang dirty ice cream experience namin. Pero wag ka masarap siya tanong mo si Doc Pinks. Mejo lumalalim na rin ang gabi nuon matapos namin kumain ng pamosong ice cream ay nagpasya na kaming maghiwa-hiwalay para magka pagpahinga pra sa karera ng lingong yun.

Funan CLP

kodkan sa ibabaw na tulay

1.. 2.. 3..

reverse bungee.. been there, done that...

Q, Doc Pinky, Carins reverse bungee??

hmmmm

pabili po ng ice cream

not so dirty ice cream

paborito?

hehehehe

should we call it a day?

salamat carinz at edu sa larwan

2 Responses to “Bago ang Buong Maria ni The Running Safety Pin”

  1. hahaha! natawa ko sa kwentong dirty ice cream at tinagalog na full mary…timang na timang lang…HAHAHAHA!

  2. Argonaut Says:

    Hahaha! ako rin natawa! hehehe! Super late post na ito Pat! hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: