Running Safety Pin endured the trail and now the road. (Botak Paatibayan 100km 2nd loop)

Balik sa Kalsada

Lampas kalahati ng ika-pito ng kami ay muling magsimulang manakbo para tapusin ang natitirang 55 kilometro  ngunit bago kami magsimula ay dumating na ang isa pa namin kaibigan, si Luis. Noong una ay binalak ni luis buoin ang 100km ngunit dahil sa kapaguran ay minarapat na lang niya na wag ituloy ang 100km bagkus ay tapusin na lang 50km. 5kilometro pa ang dapat takbuhin ni Luis para makumpleto ang 50km sinabayan muna namin sya nung una pero dahil sa saobrang pagod nya ay minarapat na namin mauna sa kanya.

5kms more for Luis first ultra race

5kms more for Luis first ultra race

Ang ikalawang yugto ng karera ay babagtas sa siyudad ng Marakina. Magkakasama kaminila  George, Ron, Julius, Denz (ang aking pacer), habang kami ay nagkukwentuhan ng aming mga karanasan sa nakaraang TNF 100. Pumasok kami sa loob ng Balara para tumawid patungong Tumana bridge na kung saan ay naghihintay si Ronald sa amin at sa aming Support vehicle. Dinantnan namin naka-upo si Ronald sa bangketa na panandaliang sinamahan namin habang hinihintay kay Carlos ang amin magiting na taga supporta. Ilang sandali pa ay umuna na ulit kami at iniwan si Ronald habang naghihintay kay Carlos. Napadaan kami sa isa estasyon ng tubig, pinuno namin ang aming sisidlan at naligo ng malimig na tubig dahil sa mga oras na yaon ay tirik na ang araw. Si George ay gustong bumili ng softdrinks dahil sa may ilang oras na rin kaming tumatakbo at nais na rin naman makatikim ng masarap na inumin. Pagkatawid ng Tumana bridge ay naghanap kami ng tindahan na maari namin bilhan ng softdrinks.

Paalam Quezon City Hello Marikina.

“Kuya ano ang pinaka malamig nyo ng softdrinks”, yan ang bungad ko sa unang tindahan na nakita namin na hindi kalayuan sa paanan ng Tumana bridge. Umupo kami at muling nagpahinga habang kami ay walang sawang nagkukwentuhan ng aming mga karanasan(sa takbo ah hindi yan iniisip mo). Nagpasya na rin kami na doon na hintayin si Ronald na sa kalaunan ay natanaw na namin. Muli, kami ay nakumpleto maliban lamang kay Rico na nauna na sa amin. Pansamantalang tumakbo kami para habulin ang aming support vehicle at iwan ang aming mga dalang gamit. “Ahhh, ang sarap ng pakiramdam. Ang gaan-gaan ng feeling”,  matapos ko ilagay ang “hydration bag” na naglalaman ng 1.5 litrong tubig ang kung ano-ano pa sa aming support vehicle. 50 kms akong tumatakbo habang nakasukbit ang bag na iyon sa likod ko ngaun wala na saya ay tila ba sobrang gaan ko na. Nagpasya na kaming manakbo ulit patungong Marikina Heights.

Hello Haring Araw!!

Pasado ika-sampu ng umaga ng masalubong namin si Isko at Run2dmoon sa kahabaan nag Bayan-Bayanan Ave. Concepcion at tapos na sila sa Marikina Heights Loop at kami naman ay pasimula pa lamang.  Maraming tao sa kalsada ang iba ay biglang npapatingin sa amin na wari’y nagtatanong kung anong ginagawa namin at baket kami tumatakbo sa gitna ng araw na minsan ay natanong ko na rin sa sarili ko. Mula Bayan-Bayanan ay kumanan kami sa Ordonez Ave at muling kumanan sa Katipunan St. patungong Sumulong Hi way. Ramdam na namin ang init ni haring araw, kaya’t kailangan naming uminom ng uminom ng tubig at basain ang aming katawan para makaiwas sa dehydration at heat stroke. Tuloy ang laban kahit tirik ang araw, nakarating ako sa kanto ng Sumulong at Gil Fernando Ave para bumalik muli sa Ordonez Ave sa mga puntong iyon ay bahagyang ngkakaiwanan na kami so Ron ay nagpaiwan na para may bilhin sa Mercury drug samantalang sila George, Julius , Ronald ay tila wlang kapaguran sa pagtakbo at habang ako naman ay naglalakad ng mabilis.  Hindi ko na kayang tumakbo ng higit sa 1km at wari ko si Denz ay naboboring na sa pagpepace sa akin. Kinailangan kong tumakbo/lakad sa lilim ng mga puno para hindi agad maubos ang lakas na natitira ko, panay ang tawid ko sa kalsada kung san mayroong lilim.

The Fiesta Boys with Denz the Pacer

The Crew

The Crew(back view)
The Crew(back view)
w0w Sexy nito ah... weet weew

w0w Sexy nito ah... weet weew

Champaca, Oh Champaca…

Ika-11 ng umaga ng kami ay makarating sa Champaca St.  sa loob ng Marikina Heights. Walang masyadong puno at may ilang paahon ng kalsada. 4 na kilometro ang kahabaan ng Champaca ngunit tila bang wlang katapusan ito, mula km 59 hangang km 63 naglakad lang ako kasama si Denz habang sila George, Ronald, Julius ay lakad-takbo dahilan kung bakit ako ay nasa hulihan maliban kay Ron na nung mga panahon na yun ay may kalayuan sa amin. KM 60 inabutan namin sa isang kanot si Carlos, huminto kami para uminom at magabasa ng aming katawan. Inabot ko sa isang cooler ang sponge sabay piniga sa ulo ko at biglang napasigaw sa sobrang lamig, “ahh, ang lamig, saraaaaap”. Kunting ayos ng sarili at balik kalsada muli. Lakad na walang katapusan at matapos ang mahigit kalahating oras ay nakalabas na kami sa Champaca at muling tinahak ang Ordonez Ave. at dun na rin namin inabot si Jigz at Kiko. Ubos na ang tubig ni Kiko inabutan siya ni Carlos ng isang boteng tubig para maibsan ang kanya pagkauhaw. Simula noon ay ngsama-sama na kami kwentuhan dito at kwentuhan doon.

ooohhh water...

ooohhh water...

spot ultra pat...

spot ultra pat...

Death March sa Riverbanks?

KM 66, simula ng ruta sa Marikina riverbanks. Excited na makita ang Takbo.ph Aid Stattion.  Mejo nakisama ang panahon ng mga oras na yun dahil sa makulimlim at nagbabadya ng ulan. Ilang mga runners ang nakasalubong namin Denz, halos lahat ay naglalakad na lang para ireserba sa huling bahagi ng karera. Isang mahabang lakaran ang ngyari noon sa gilid ng Marikina River Banks mejo ubos na ang dala kong tubig at hindi na pwedeng magsuport si Carlos dahil sa hindi makakadaan ang sasakyan sa parteng iyon. Isang mensahe ang natangap ko mula sa aking kaibigan at kinamusta ang lagay ko sa karera, pangsamantalang nagpalitan muna kami ng mensahe habang ako ay naglalakad at para na rin medyo malibang ako at maiba ang laman ng utak ko. Narating rin namin ang Marikina Bridge, sa punto na yun ay medyo hiwa hiwalay na kami sila Ronald ay nakakatakbo pa ng maayos at ako naman ay lakad na lang talaga dahil sa sobrang pagod at sakit ng paa. Habang papalapit kami sa Marikina River Banks Mall ay panay ang sulyap ko kung saan ko matatagpuan ang Aid Station ng Takbo.ph sa kabilang parte ang River Banks hangang sa isang tent ang nakita ko at may mga taong kumakaway sa amin, sa wakas ang Takbo.ph Aid Station medyo binilisan ako ang lakad para makarating sa isang check point at makarating na rin sa Aid Station. Habang naglalakad kami patungo sa check point sa tabi ng SM Marikina ay nagdala ng ilang pagkain,tubig at malamig na tuwalya sila BongZ, Edu, Doc E (hindi ko na natandaan yung ibang kasama). Pagdating namin sa check point ang sabi sa amin ng marshall ay kailangan ulit bumalik sa Tumana Bridge at tumawid sa kabila para sa isa pang check point sa Marikina River Banks Mall at doon na namin madadaanan ang aid station. Makalipas ang ilang saglit at matapos kami magrecharge ay bumalik na ulit kami sa paglalakad.

incoming supplies.. weee

incoming supplies.. weee

ronald: pat san ka na... pat: dito ako sa likod mo...

ronald: pat san ka na... pat: dito ako sa likod mo...

Masaheeee……

(Sa ambulansya hindi kalayuan sa check point)

Kiko: ‘may gamot kayo for'(hindi ko narinig)

Medic: ‘meron’

(na-ingit si pat)

Pat: ‘kuya may extra kayong paa dyan na pwedeng  ipalit ko sa paa ko’ (nagbibiro)

Medic: ‘hehehe meron sir kaso pang babae’ (sabay turo sa isang volunteer na babae sa loob ng ambulansya)

Medic: ‘baket po sir?’

Pat: ‘hindi na kaya ng paa ko, masakit na, meron ba kayo pain reliver dyan’

Medic: ‘Alaxan FR sir pede un’

Pat: ‘sige kuya pahingi ako, pwede ba pamassage??’ (nqgbakasakali lang)

Medic: ‘pwede sir’

Sabay bukas ng pinto sa likod ambulansya at sinabihan ang isa pang volunteer na siya na ang magmassage. Habang ako ay nakaupo at minamasahe.  Pagpahid ng Bengay ay halos mapasigaw ako sarap. Parang naging presko ulit ang pakiramdam ng paa at binti ko. Pag tayo ko sa kinauupuan ako ay isang malaking pasasalamat ang iniwan ko sa kanila at muli ako ng nagsimulang lakad-takbo, nakakuha ako ng ikalawang hangin(2nd wind) matpos ang masarap na masahe.

Dead GF

Magisa ulit akong tumakbo/lakad habang ang kalangitan ang nagbabadya ng pagbuhos ng ulan. Bago ako makarating sa Marikina Bridge ay unti-unti ng pumapatak ang ulan, at hindi nagtagal ang bumuhos na ng tuluyan ang malalaking patak nag ulan. Magandang pagkakataon sa akin yung para tumakbo dahil sa malamig ang panahon, tinanggal ko ang akin arm warmer para takpan ang aking Garmin Forerunner at hindi eto masyadong mabasa.  Mejo mahaba at matagal pa na takbo/lakad ang kailangan ko at inoorasan ko na ang sarili ko kun aabot ako sa cutoff na 18hrs.  Sinilip ko ang Garmin koa para tanchahin kun aabot ako ng cutoff, 76kms 13:25:01 na ako tumatakbo at habang ako ay tumitiningin dito ay bigla na lang nawalang ang power eto. Mejo nataranta ako, hindi ko alam kun nasira siya dahil sa nabasa ng ulan o kaya ay naubos na ang baterya niya. Wala na akong panukat kun aabot pa ako ng cut off .

Bahagyang tumila ang ulan, at tanaw ko na sa hindi kalayuan ang Tumana Bridge at sa kabilang dako ng ilog ay nakita ko si Isko na sumesnyas na bilisan ko raw at sabay turo sa relo bilang senyales para sa oras ng cut off. Ilang sandali pa ay narating ko na ang kabilang gilid ng Marikina River at ilang kilometro na lang ay mararating ko na ang aid station. Habang ako  ay naglalakad na parang lulugo lugo ay nakasalubong ko ang ilang mga mananakbo si Ralf, RunnerforChrist, Rico at ilang mga PUR kabilang na si Mon Sandoval na nagbigay ng maiinom na tubig at pagkain(salaman Mon).

@Botak Aid staion of  Takbo.ph and Reinier Pacific

Pasado ika tatlo ng hapon ng salubungin ako nig Bongyu at Doc Eric ng tubig at makakain ilang metro na lang ang layo sa aid station. Nang marating ko ang aid station ay nandun na sila George, Julius, Ronald at nagkapagpahinga na. Malakas ng palakpakan ang sumalubong sa akin, pag-upo sa sahig ay inasikaso kagad ako ng mga Takbo.ph volunteers na para akong pasyente. Si Marga (AKA as margalicious ng takbo.ph) ay minasahe ako ng napakasarap habang kumakain ng saging at pinasalubungan pa ako ni Lorie ng brownies. Napaka laki ng utang na loob ko sa Takbo.ph para sa tulong na binigay nila para matapos ako ang Botak 100. Habang ako ang nakahilata sa sahig at ngpapahinga ay isang tawag ang natangap ko si Doc Roy, nagpapahintay siya at sasabayan niya raw ako sa huling yugto ng takbo ko. Si Doc Eric Bongyu at Doc Roy sila ang mga malulupit na pacer sa huling 12kms.

The Crew @ Takbo.ph aid station

The Crew @ Takbo.ph aid station

Takbo.ph aid station

Takbo.ph/Reinier Pacific aid station

my hoffness @work

my hoffness @work

on call with Doc Roy another Pacer

on call with Doc Roy another Pacer

nice way to break in gelli @ Botak 100

nice way to break in gelli @ Botak 100

Takbo.ph aid station with Renier Pacific of Sir. Amado Castro

Takbo.ph aid station with Renier Pacific of Sir. Amado Castro

Huling 12

Hinintay ko pa sila Kiko at Ron bago ako magsimulang lakad/takbo dahil sa gusto ko na maging huling finisher ng Botak 100 ilang minuto ko rin silang pina una at hindi nagtagal ay inabutan ko rin sila at isang grupo na kami ng kulelat.  Si Ian Alcar ay nakisabay na rin sa aming paglalakad at binagtas muli ang Loyola Grand Villas. Mahabang lakaran ang nangyari lalo na ang pamatay na akyatan sa Katipunan Extension. Bago pa kami makalabas ng Balara ang napansin ko na hindi kami aabot kung maglalakad na lang kami, sinabihan ko na si Doc E na kailangan na namin tumakbo. Nagpaalam na ako kay Kiko at Ron “kita kits sa finish line”.

malulupit kong pacer

malulupit kong pacer

malulupit kong pacer

malulupit kong pacer

tumana bridge

tumana bridge

patayan na ahon eto

patayan na ahon eto

see ang tarik nito...

see ang tarik nito...

5km dash para sa 7pm na cut off

6:15pm

Nagsimula na ako tumakbo na parang PR mode sa 5k, takbo tapos ay pahinga ng saglit. Nakarating na kaming muli sa UP at naglakad sa oval akala ko ang hindi na dadaan pa sa oval pero ang turo ng marshall ay patungo sa oval.

6:30pm

Isang jump shot ko ang kinunan ni Doc Roy habang kami ay naglalakad at sabay umuna na siya. Mejo dumidilim na, ang araw ay unti unting tinatakpan ang dilim ng gabi kasabay ng pagkapagod ako at biglang nakaramdam ng sakit ng ulo.

jumpshot while finishing 100km

jumpshot while finishing 100km

6:40pm

“Doc sakit ng ulo ko” binangit ko na kay Doc E para magka ideya siya kung ano nangyayari sa akin, pinayuhan ako na huminga ako ng maayos. Sa kahaban ng Osmena Ave.  ay naglalakad ako ng nakapikit para magkapag pahinga at magreserba ng lakas sa huling hirit ko. Si Doc E ang taga manman ng oras at pace na kailangan para makaabot ng cutoff. Galing sa Osmena Ave. kumaliwa kami patungong heart break na tinatawag nila takbo ng ilang daang metro at pahinga pagtapat sa Bahay Kalinaw.

6:50pm

Isang pababang kalsada ang dadaanan namin at  sinabihan ko na si Doc Eric na takbuhin eto, ng masilayan na malapit na ang kalsada ay muling ako tumakbo na parang wala ng lupa (4:30mins pace)at dun namin inabutan si Doc Roy at sa puntong iyong ay may 10 minuto na lang ako para matapos ang karera ng nasa oras. Pagdatin sa dulo ng palusong na kalsada ay muli kaming nagpahinga.

6:52pm

Sa tapat ng Meralco Sub StationMay makailang beses ako tanong ng tanong kay Doc Eric kun anong oras na.  “Doc anong oras na”, sabay tugon ng “6:52”. “Tara Doc takbo na ulit”, habang tumatakbo kami ay aninag ko na ang mga ilaw ng katapusang guhit sa Ylanan,  pero bago pa kami makarating sa tapat ng Bahay ng Alumni ay nagpahinga kaming sandali.

Huling 300 metro.

Tapat ng Bahay ng Alumni, “Doc takbo na tayo till finish line”. Kanan kami ng Magsaysay Ave.  at sabay “Doc after ng finish line I need medical attention” habang tumatakbo ng hindi tataas sa baba na 6:oo mins kada kilometro.  Kaliwa sa Ylanan “Doc anong anong time na”, “Pat 6:56pm, abot tau” sabay huling sprint na wari koay umabot ng 5mins at sigaw ang malakas habang nagpapalakpakan ang mga tao at tila ba sinasabi nila “Good Job”.

salamat kay Doc Eric pra sa impormasyon ng huling 5km

salamat kay Doc Eric pra sa impormasyon ng huling 5km

Katapusan Guhit

Sinalubong ako ni Neville ng isang flash sa kanyang camera at sabay kamay sa akin. Sinabitan ako ng medalya sabay kamay na rin sa akin ni Mr Guarin at nakita ko rin naka upo na sila Rico, Julius, at George si Migs ay nakita ko rin dun.

17hrs 56 mins Botak 100 with the best pacer ever named Eric DeBelen

17hrs 56 mins Botak 100 with the best pacer ever named Eric DeBelen

may kasunod pa eto….

One Response to “Running Safety Pin endured the trail and now the road. (Botak Paatibayan 100km 2nd loop)”

  1. Ang ospital moment… hehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: