Ang istorya ni Running Safety Pin sa TNF 100 (ikalwang bahagi)

Matapos ko maibigay ang 5 bracelet ko sa marshall ng basecamp ay dali-dali ako pumunta sa Gatorade tent para kumuha ng (cyempre gatorade) Gatorade at sa tabi nito ay kinuha ko na rin ang aking gamit. Umupo ako sa gilid at nag ayos ako ng aking sarili, pinatuyo ang paa, naglagay ng Gatorade sa hydration, nagpalit nga damit (Takbo.ph singlet), nagpunas ng katawan. Habang nagpapahinga ako ay kumukain na rin ako ng aking baon na energy bars. May nakilala rin ako mga solo 100 runners si Miles konting kwentuhan habang kami ay kumakain. Habang nasa basecamp ako may ibang relay runners na lumalak-lak na ng isang malamig na san mig light habang ako naman ay nagiisip kun pano ang gagawin ko sa 2nd loop. Inisip ko na delikado kung ako lang magisa ang titira sa 2nd loop and mauubos naman ang oras ko kun hihintayin ko pang ang ibang kasama ko dahil sa wala akong ideya kung nasaang parte na sila.

Pasado alas kwatro na ng maisipan ko na magsimula ng 10k road run at dahil na rin sa mejo makulimlim na ng mga oras na yun. Hindi pa ako nakakalayo sa basecamp ng makasalubong ko si Retz at magsimulang pumatak ang ulan at hindi nag laon ay bumuhos na rin ang ulan. Habang tinatahak ko ang dating ruta ng New balance race sa Clark ay may mga nakakasalubong ako ibang runner na patapos na ng kanila 10k road run. Napatingin ako sa langit at naisip ko muli ang tatlong letra DNF, tinignan ko ang bundok na dadaanan kong muli sa 2nd loop at nakita ko ay isang maitim na ulap na yumayakap dito at napatungo na lang ako at muling pumatak ang luha mula sa aking mga mata at inisip ko na lang na tapusin ang 10km at umayaw na sa karera. Nakasalubong ko si Neville ng PUR at sinabihan ako ng 2kms na lang pra sa MP24 sabay sabi ng “go go go”. Malakas ang hangin pansin ko sa mga sanga ng puno na parang mababali ang sanga habang hinahampas ng hangin, pumasok muli sa isip ko ang tatlong buwan na training na mapupunta na lang sa wala at ang mga kaibigan kung umasang makakatapos sako (shet ang drama ko na…). Nakatungo ako na naglalakad sa gilid ng kalsada habang umuulan.

MP24 inabot sa akin ang unang bracelet para sa 2nd loop tumila na ang ulan at ako ay muling naglakad patungo ng basecamp. Habang ako ay naglalakad ay naka salubong ko si Denz at sumenyas ako na parang ginigilitan ako ng leeg dahil sa suko na talaga ako, pansamatala akong huminto at nagusap muna kami. Kinamusta ko kung nasaan na ang iba naming kasama “mejo malayo pa dumerecho na ako hindi na ako dumaan ng basecamp” at ng may huminto na van sa tapat namin “Sir kelan kayo huling dumaan ng marshall point”“ako kadadaan daan ko lang eto papunta pa lang, Sir anong meron”-“may kumosyon kasi sa basecamp eh”. Lalong napagtibay na ang DNF ko sa TNF 100, kinutuban na ako ng ang tinutukoy nya na kumusyon ay ang pagtigil ng karera dahil sa malakas na ulan.

TNF 100 ruined by a twister

TNF 100 ruined by a twister

Pagdating ko sa basecamp (mga bago mag 6pm) ay tumanbad sa akin ang maraming tao at ang arko ng START/FINISH ay wala na at inisip ko na binaklas nila eto dahil sa itinigil na ang karera. Nakita ko na ang iba namin kasamahan sa basecamp si Isko, Rico, at Glenn at sinabi sa akin na nakahold raw ang race dahil sa may ibang bahagi ng ruta ay hindi madaanan, hindi malaman kung itutuloy o ihihinto na ang karera. Nagpahinga na lang muna kami at ang iba ay nagbihis na lang at inisip na hindi na tuloy ang karera at sa puntong iyon ay inisip ko na tapos na ang karera ko. Muli ako pumunta sa Gatorade tent para magcheck-in kailangan raw kasi yun para sa timing. Habang kami ay naghihintay ng anunsyo ay nagkwentuhan na lang kami at kaya pala wala na ang arko ay dahil sa ito ay itinumba ng isang ipo-ipo. Lahat kami ay may tanong na itutuloy pa o hindi na (deal or no deal) kung sakaling ituloy pa ng organizer ang karera, lahat ng tinanong ko ay hindi na raw tutuloy. Hinanap ko ang iba pa naming kasama sila Ronald, Atty, George sabi ni Isko ay mejo malayo ang distansya nila. Hindi nagtagal ay ay dumating na si Denz at malaon ay sila Ronald at doon pa lang nabuo muli ang aming grupo.

“Announcements!!”, “Lahat ng white na bracelet on this side and lahat ng wala on this side” (pag may white bracelet natapos na un 10km road run at 1s loo p pag wala 1st loop pa lang). Nakgawa ng isang magaling na magic ang organizer para maidivert ang ruta at hindi na dumaan sa isang bahagi na delikado. Sa halip na dumaan pa ng MP10, MP11, MP12, MP13, MP14 mula sa AS2 ay dederecho na agad sa AS3 at ang mawawalang ruta na iyon ay papalitan ng pagtakbo muli sa 10km road run. Binigyan ng kalahating oras ang mga runners na gusto pang tumuloy para mkapaghanda. Isa isa kaming nagtanungan kun sino sino ang tutuloy at wala sa grupo namin ang gusto pang tumuloy.Napaisip ako kung tuluyan ko ng ihihinto ang karera, ang hirap na dinanas ko ay madodoble pa lalo dahil sa gabi na at sobrang pagod. Sa isang banda ay naisip ko ang mga kaibigan ko na nag aksya ng load para lang ipursuge ako tumuloy sa karera, ang 3 buwan ko na pagtetraining at ang minimithi ko na matapos ang prestihiyosong TNF 100.

Nabuhayan ako ng loob at muli ako nagyaya na ituloy ang karera. Si Isko ay desidido na hindi tumuloy, si Ronald ay pumayag nung una pero nagpasyang hindi na rin tumuloy, si Atty ay hindi na rin tumuloy at ang mga tumuloy na lang ay si Rico, Glenn, at George sila ang mgakakasama dahil kinailangan nilang tumakbo pa ng 10k road run samantala si Retz, Ralp, Gene ang magkakasama nauna sila kasama ang iba pang mga gustong magpatuloy kami nila Chris, Denz ay sumunod na lang dahil hinintay pa namin si Denz para ayusin ang mga gamit nya. Pasado 7.30 na kami nagsimula at medyo may 15-20 mins na pagitan kami sa grupo bila Gene. Pansin na namin ang p agod ang isa’t isa si Denz ay parang hinihila niya na lang ang kaliwang paa. Nanghiram na ako kay Isko ng treking pole dahil sa alam ko na kakailanganin ko e2 sa mga matarik na ahon namin. Habang kami ay naglalakad na papuntang AS1 naririnig ako ang cell phone ko na may mga pangilan ilan na nagtetext. Nagkukwentuhan na lang kami para aliwin ang aming mga sarili. Habang papalayo ng papalayo kami papuntah sa AS1 ay napapansin ko na may trail na hindi na namin nadaan nung una. Feeling ko ay naliligaw na kami ng mga oras na yun. Sinabihan ko na lang ang mga kasama ko na baybayin namin ang kanang parte ang ilog. Napansin ko lang na habang pumupunta kami sa bandang kanan ay lagi kami napapadpad sa gitna pag kami ay naglalakad. Dinapuan na ako ng antok, isama mo pa ang pagod at mahirap na trail. Naisip ko ang sinabi ni Ronald nung una siya sumali sa TNF 100 sa Nasugbu na madedemotivate ka raw pag alam mo kun gaano kahirap un dadaanan mo at sa puntong iyon ay ramdam ko na yun. Humihinto ako pra ipikit ang mga mata ko para lang makapagpahinga at syempre kailangan rin huminto ng dalawa para hintayin ako. Sinabihan ko sila na matulog muna kami bago umakyat ng AS2 dahil sa hindi ko na talaga kakayanin pang magpatuloy. Matapos ang 2 oras na paglalakad ay narating na namin ang ilog, hinubad ko ang sapatos ko at naglakad lamang ng nakamedyas, ayaw kong mabasa ang sapatos ko. Binaybay namin ang ilog at nakasalubong ang grupo nila Gene at maya-maya pa ay narating na namin ang AS1.

wated

wasted

Mga 10pm pasado na kami nakarating dun at medyo nagpahinga muna kami at inalok ng mga marshall ng tubig at pagkain. Pabiro ko silang sinabihan na “pwede bang matulog dito” matapos ang ilang saglit ay binaybay na muli namin ang ilog at matpos namin matawid ang ilog ay pansamantalang nagpahinga kami para magsuot muli ako ng sapatos.Isang tawag ang natangap ko habang ako ay nsakalagitnaan ng aming pagtulog sa MP7, “Pat san ka na”-“natutulog kami ngayon”-“saang hotel kayo natutulog”-“sa trail kami natutulog”-“adik ka Pat”. Si Danno ang tumawag akala nya eh sa hotel ako natutulog. Nilalamig na kami ng mga oras ng at maya-maya pa ay nag-alarm ng ang cell phone ko at iyon ay hudyat na para kami ay magsimulang maglakad muli. Dumaan kami muli sa MP8 at MP9 lahat ng mga marshall ay natutulog na ta kainailangan pa namin silang gisingin para makapag log kami. Narating rin namin ang AS2 bahagyang nagpahinga muna kami bago kami dumaan sa bagong ruta. Madilim ang dinaan namin mula AS2 patungong AS3 bagamat isang mataong lugar iyon. May nabangit si Chris na kung ano ano na araw ang nagiging imahinasyon nya sa mga aninong nakikita nya samantalang ako ay sobrang antok na at umaabot na sa puntong huminto na lang ako at ipinapantong ko ang noo ko sa handle treking pole. Nilalabanan ko na lang ang antok sa pag inom ng Gatorade at pagkain ng GU gel.

Pasado ala-una ay nkarating rin kami sa AS3 dun na rin namin naabutan ang isang runner na nagquit dahil sa may naramdaman na siyang hindi maganda. Muli kami naglatag ng garbage bag para kami ay matulog.Ala-una y medya ang muli kaming magsimulang maglakad patungong MP15 para tumawid ng ilog at muling akyating ang matarik na ahon patungong MP16. Hindi mawala ang antok sa akin at kailangan ko uminom ng uminom para lang ako ay magising. Bandang alas-tres na ng marating namin ang MP16 at hindi na kami nagpahinga bagkus ay dumerecho na kami sa MP17 at pagdating namin ang MP17 ay niyaya ko sila na doon na lang matulog dahil sa hindi ko na kaya pang labanan ang antok, “malapit na un AS4, dun na lang tayo matulog”. Binaba namin ang matarik na trail patungo sa MP18 kailangan namin humawak sa tali kasi “I miss you die” at pag dating ng MP18 ay kinailangan namin muling mang gising katulad sa mga ibang MP na nadaanan namin. Wala nang isang kilometro para ang hinihintay ko na AS4 at pasado alas kwatro ay narating rin namin ang AS4. Muli kaming nagayus ng aming mga gamit at kumain kasama pa ang ibang mga runner. Matapos naming ayusin ang dapat ayusin ay muli kaminn sumalampak sa isang tabi para matulog.

Alas singko ng umaga muli kaming ginising ng cell phone ko. Huling pagaayos bago kami tumulak sa huling 25km ng karera. Habang kami ay naglalakad ay nagkukwentuhan ay nabangit nila na hindi raw sila masyadong nakatulog dahil sa lamig at dami ng lamok pero hindi ko eto napansin dahil sa sobrang antok ko. Patungong MP19 ay mejo naiiwanan na nila ako dahil hindi na ako makasabay dahil sa sobrang antok ko. Dinaanan namin mulin ang barangay na nadaanan namin noong unang tanghali at may mga nagtanong “hindi pa ba tapos ang marathon”-“hindi pa po baka kami na po ang huli”. Narating namin muli ang MP20 at doon ay tanaw namin ang Sacobia bridge at ang mga 10k at 20k runners. Sobrang antok ko na at muling pumasok sa isip ko na sumabay na lang ako doon sa mga 10k runners pra dumerecho na lang sa basecamp at hindi na tapusin ang karera. Dinukot ko ang GU sa hydration ko at kinain eto, buti na lang ay may caffeine yun GU para ako ay magising kasi naglalakad na ako ng nakapikit. Dumaan kami sa MP21 at sa huling pagkakataon ay tinawid namin ang huling ilog sa karera na iyon para maratin g ang MP 22 at baybayin muli ang SCTEX sinubukang kong takbuhin ang SCTEX pero hindi na talaga kaya ng katawan ko 50m pa lang ay sumusuko na ako. Unti unti na kami naghihiwalay nila Chris at Denz, si Chris ay mejo nauna na sa amin at si Denz ay mejo ilang metro lang sa likod ko. Pagdating namin sa kabilang dulo ng Sacobia bridge ay may water station dun pra sa mga 10k at 20k runners huminto muna ako dun pra magbuhos dahil sa sobrang init na bagamat 8am pa lang noon.9am ng marating ko muli ang basecamp, ang ibang mga runners ay nagtataka baket sobrang dungis na namin baka hindi lang nila alam siguro na 100k ang tinakbo namin.

Pagadating ko sa basecamp ay naghanap ulit ako ng malamig na tubig para ibuhos sa katawan ko. Maya-maya pa ay dumating na rin sin Denz at si chris ay dumrecho na sa 10k road run. Iniwan ko ang hydration ko at kumuha ng 2 boteng tubig at nglakad na muli para tapusin ang huling 10k ng TNF 100. Sa umpisa ng 10k road run ay na kasalubong ko na ang ibang mga runner na nakasabay namin. Bago ko pa marating ang kalahati ng 10k road run ay naubos na ang tubig ko at natanaw ko na sa likod ko si Denz hangang sa narating ko ang huling MP at nakasalubong ko na pabalik na si Crhis. sa MP 24 ay hinintay ko si Denz para humingi ng extrang tubig. Iniisip ko na baka maHeat stroke ako pag naubosana ko ng tubig. Binigay ni Denz ang extrang tubig nya at muli na kaming naglakad pabalik ng basecamp huling 5km ng karera. Nauna si Denz at nagpahuli na ako dahil hindi ko na kaya at masyado ng mainit at naubusan na ako ng tubig.Habang naglalakad ako sa gitna ng init ay may mga sasakyan na huminto at binaba ang binta nila sabay “GO GO konti na lang kaya mo yan”, ang iba naman ay bumusina at tila bang sinusuntok ang hangin. Nainspire nila ako at inipon ko ang huling lakas ko at muling tumakbo. Inabutan ko si Denz at muli kami naglakad ng sabay sa init. Maulap naman noon pero wala kahit isang ulap ang tumabon sa sinag ng araw para kami ay masilungan. Talagang sinusubukan kami ni haring araw, wala na kaming tubig para maibuhos sa katawan namin isang gatorade na lang at itoy pinagsaluhan namin ni Denz. Muli kong inipon ang huling lakas ko para sa finishing kick ko. Tirik na araw, walang tubig, at pagod na pagod ng tinakbo ko ang huling 1.5km ng karera hindi ko na inisip na magcollapse ako sa init or maheat stroke.

10:06 am ng May 24, 2009 ay natapos ni Running Safety pin ang TNF 100 Ultramarathon at ito ang unang ultramarathon na sinalihan nya at simula ng pagiging adik sa pagtakbo ng malayo.

TNF 100 Finisher

TNF 100 Finisher

4 Responses to “Ang istorya ni Running Safety Pin sa TNF 100 (ikalwang bahagi)”

  1. Pat, akala ko mga-DNF ka sa blog entry na ito. Haha. Pero gaya ng TNF 100 mo, huminto ka man at nagpahinga, ang mahalaga ay tinapos mo…ang takbo at ang blog. Hehe. Binabati kitang muli, Ultramarathoner Pat🙂

  2. saludo ko sa inyong tatlo!

  3. Ang bangis mo talaga pat… wasted talaga ang picture mo! hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: