Paggunita ng kaarawan ni Anne…. (ikatlong bahagi)

Kwebang Lampas..

Heka baket nga ba Kwebang lampas? Di ko rin alam ang sagot lol.

Pasado ika-labing isa ng tanghali ng aming marating ang aming destinasyon at pagdating namin ay madali naming inaus ang mga gamit at habang ang iba nama ay naghain ng aming pananghalian. Kanya-kanyang labas ng sandata at pananga na gagamitin sa inihaing tanghalian ni Anne na giniling na baboy, pakbet, adobong manok at baboy. Habang sila ay nanghihinain na, ako naman ay naghahanap pa rin ng “mess kit” (sorry nakalimutan ko magdala, sobrang excited lang) sa kabuting palad ay nakahanap  ako ng papel na plato na gagamitin ko pra sa aking pagkain. Gamit ang “mess kit” ng aking mabuting kaibigan si Rhovee ako ay kumuha ng ulam na aming pagsasaluhan pero ako’y nagtaka at nagtanong sa sarili si Anne ba ay nakaligtaang magsaing. Pakiwari ko ang kanin na kanyang inihanda ay binili lamang nya sa isang karinderyang nadaanan nya patungong OSMA sa kadihalanang ang kanin ay nakabalot sa isang sisidlan na plastic na parang bumili ka lang ng extra rice na take out. Pero hindi ko na inalintana kung san lupalop ng karinderya sya nabili basta ang alam ko ay gutom na ako at ang mga alaga ko sa tiyan ang nagwawala na at meron nagaantay sa akin kaya ako ay kumain na kasalo ang kaibigan ko 3 beses nabigo sa pag ibig pero sya ay ok na raw.
Lahat ay nasiyahan sa inihanda ni Anne. Sa puntong iyon ay nagpapahinga na ang lahat at ako naman ay may hinahanap na isang bagay hindi na kukumpleto ng paggunita ng kaarawan ni Anne. Tinanong ko si Elis kun san nya nailagay ang bitbit nyang karton, itinuro naman niya at inilgay na namin ang laman nito sa isang lalagyan na ngsisilbing prigyeder para lumamig e2. Hindi naglaon ay kanya-kanyang kuha ng beer na magaan, habang nagpapahinga at inuubos ang likidong nakakahilo. Maya-maya ay may isang babae na naka pukaw ng aking atensyon matapos na sya ay magbihis ng kasuotang panglangoy.

“Rhovee asan ang lambat mo itayo mo ang pagiging original dyesabel caught in the net”.

Ilang sandali pa ay dinampot ko na ang aking kamera at nagsimula na akong magpipundot.

ang walang kakupas-kupas na dyesabel caught in the net

bagong tuklas na dyesabel…
heka d kaya ikaw ang matagal ng hinahanap na nawalang kapatid ni rhovee

huwaw..

Habang kami ay naghuhuntahan ay isang malakas ng lagabag ang aming narinig at iyon ay dahil sa….

Kapatid ano ang nangyari sa iyo

akala ko may tu big lalangoy sana ako

kapatid lo tide nga un

Ang ingay na aming narinig ay ang paglagabog ng maladyesabel na katawan ni Hazel. Buti na lang ay nakahanda ang kamera ni Fadz ng mga oras na iyon para makuha ang napakagandang sandaling iyon.

Ilang sandali pa at ilang lata pa ng beer na magaan ang naubos ay nagpasya na kaming tumungo sa Kweba ngunit bago iyon ay ginaya muna namin ang isang patalastas ng shampoo at matapos ang ilang kuha ay eto ang kinalabasan.

Sa kweba nauna sila Dano, Ric, Rye, Hazel, Tin, Jo-Annie at Arlyn habang ako at si Fads ay sumunod. Doon sa loob ng kweba ay tila may isang magandag anghel ang umawait, ng makapasok ako sa loob ng kweba ay nabatid kosila Ric, Rye, Hazel ay nagsisipagawit. Habang sila ay nagaawitan kami naman nila Fads, Tin, Dano, Jo-Annie ay tuwang tuwa magtampisaw sa mabatong dagat ng Pagbilao. Mabato talaga siya, dun nadisgraysa ang kaliwang paa ko na ngtamo ng isang maliit pero masakit na sugat. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang iba. Sa mga sandaling iyon ay tila bang ngsawa ako sa lugar kun san kami lumalangoy at nagpasyang puntahan ang di kalayuang malaking bato para tignan kung ano ang meron dun.


Pagkarating ni Danno, Jo-Annie at Tin sa malaking batong iyon ay tumulak na rin kami patungo sa kinalalagyan nila at napansin namin na masarap lumundag galing sa batong malaki, ngunit kami ay nagdalawang isip nung una dahil sa baka ang tubig ay mababaw at masaktan kami sa paglundag namin. Sinukat ni Danno ang tubig at napagalaman naming ligtas tumalon. Isa isang kaming nagsipagtalunan Tin, Jo-Annie, Fadz habang si Danno ay may kung anong hinahanap sa ilalim ng tubig(si Rodel ba iyon). Makalipas ang ilang saglit ay naramdaman namin ni Fadz na mejo boring na kaya’t nagisip kami ng gagawin pra maiba naman. Alam namin na kami lang ang nasa lugar na iyon at matapos makaubos ng 4 na lata ng beer na magaan may kung anong pumasok sa isip namin at naisipan namin tumalon na nakabrief lang. Makailang beses rin kaming nagtatalon ng ganun ang ichura namin hahahaha. Maya-m aya pa ay nkita ko paparating na sila Phil, Mira, Anne, Rye bitbit ang alagang si Ric, Hazel at Edge para sumama sa aming kasiyahan. Sa sobrang pagod siguro, kaya kami ay nagpasyang bumalik at habang kami ay nsa loob na ng kweba at patungo sa aming kubo ay napansin ko si Mira na nagkukumahog sa paglangoy dali-dali ako lumangoy patungo sa kanya at sabay sambit ng ngalang Danno dahil sa hindi naman ako magaling lumangoy at mas mabigat pa sa akin si Mira. Inabot ko si Mira at dinala sa isang bato na kung saan  naabot ng paa nya. Pinasok ng tubig ang kanyang mask kun kaya’t hindi siya nakalangoy at nataong malalim pa at hindi pa nya abot ang sahig ng dagat. Lahat kami ay bumalik sa kubo at doon ay inabutan namin nagiinuman ang iba p naming kasama.

Ang tanda ko nito ay natulog ako matapos ang talunan….

salamat sa mga kuha ni fadz

One Response to “Paggunita ng kaarawan ni Anne…. (ikatlong bahagi)”

  1. jo annie Says:

    Makailang beses rin kaming nagtatalon ng ganun ang ichura namin hahahaha. —honga nga, hahahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: