Paggunita ng kaarawan ni Anne…. (ikalawang bahagi)

Sa wakas kompleto na ang lahat…

Tara na, papuntang Lucena kung saan susunduin ang ilan pang mga kaibigan nauna na sa Lucena kabilang rito cla Rhovee, Tin, JZ, Milmar at Manny. Ngunit bago ang lahat kami ay nagkasundo na huminto muna pansamantala sa isang gasolinahan sa kahabaan ng Timog Luzon Mabilis na daanan. Pagdating sa gasulanihan kanya kanya na ng lakad kun san man nila gus2 kumain. Ako’y napaisip kung san ako kakain sa McDo ba or sa Starbucks. Matapos ako makipagdebate sa aking sarili ang napagpasyahan ko magkape na lang sa Starbucks ngunit sa aking katangan ay nakalimutan ko ang aking pera sa sasakyan syempre kailangan ko bumalik pra kunin yun. Sa Starbucks  naroron rin sila Vivi, Jacq, Phil at Chi pra bumuli ng kanilang kakainin. Makalipas ang ilan pang saglit lahat ay handa na ulit para sa isang mahaba-habang byahe.

Habang kami ay tumatahak ng kalsada sa bandang dolores Quezon ay may tumawag sa aming driver. Oo, siya ay tinawag ng inang kalikasan at dahil dun kinailangan naming huminto ng sandali para sagutin ang tawag na iyon. May nadaanan kaming isang gasulinahan dun doo’y huminto pansamantala para ang lahat ay magkpag unat-unat muna. Habang ang iba naman ay nagkokodakan.

Matapos ang kodakan ay nagpasya na kami bumalik at tahakin muli ang landas papuntang Lucena pra tagpuin ang ilan pang kaibigan. Habang kami ay tumatahak ng landas patungong Lucena ay may napansin kaming isang grupo nag nagmomotorsiklo na umani ng kutakot-takot na pangla-lait galing kay Mira:“Naku kung Harley Davidson ang motor nila dun ko lang cla papansinin hindi yan ganyan motor na akala mo scooter lang” (Mira isa kang Racist Bastard).

Makalipas ang isa oras ay narating na rin namin ang Lucena at duo’y tinagpo na namin sila Rhovee. Matapos ang konting beso-beso at chikahan kami’y muling bumalik sa aming paglalakbay patungong Pagbilao. Habang kami ay naglalakbay napansin ko si Kuya Pido at Kano(Pido hmm kamukhan ni pido dido? Kano kasi maputi?) sila ay naguusap na parang tanga lang. Natatawa ako sa mga pinagkukuwentuhan nila. Tanda ko un isang kwento ni kuya kano na nung nabubuhay pa ang kanyang tatay na sabungero ay minsan nagsabong e2 at natalo sa kadihalanan daw na mapurol ang tari, sa kagustuhan nyang malaman kun mapurol nga ang tari sinubukan nya kun matalas ang tari ng manok nya (susko po prang surgical blade ang tari ng pansabong). Syempre alam mio na ang nangyari.

Matapos ang ilang oras ng paglalakbay at magkaligawligaw ay narating rin namin ang jump off patungong Kwebang lampas.

Ang lahat ay naghanda na para sa isang maiksing trek patungo ng kwebang lampas. Kanya kanya ng bit-bit ng mga pagkain at alak. At habang kami

‘y nagalalakad sa gilid ng isang ilog ay napansin ko na naman ang lalaking iyon at sabi ko nakasama ko na ito sa gimik dati. Mata pos kun pigain ang tuyot kong utak ay naalala ko rin, minsan kami ay gumimik ng aking dating kaibigan kasama ang buong team nila siya ay naruruon rin at nkikikanta ang ng mga oras na yun ay baguhan pa lang sa sa team na iyon at cya nga ay si Elis. Balik sa kaarawan ni Anne, si Tin ang nagsibling guide namin ngunit siya rin ang nawawala. Makailang beses kaming naligaw sa aming paglalakad. Ang paglalakad na iyon ay hindi basta lakad lang baket ka nio? Tignan ang larawan sa ilalim.

Dahil sa sobrang putik ng daan ay kinailangan maghubad ng sapin sa paa ng aming guide na si Tin at hindi naglaon ang ibang ay gayun rin ang ginawa si Vivi pag angat ng paa ay naiwan ang Havaianas na nkabaon sa putik sumunod na nagpaa ay si Jacq at sa di kalayuan si Arlyn at Jo- Annie ay nagisisip kun pano nila bibitbitin ang kanilang mga dala.

Matapos kaming maligaw ulit a y natagpuan na rin namin ang isang saradong pinto na kinatok ang aming guide na si Tin. Isang lalaki ang ngabukas ng pinto at nasabing 35pesos ang singil sa kada isang taong papasok. Matapos mangulekta ng mga kabayaran kami ay nakarating na rin. Ang iba ay para bagang ngaun lang nkakita ng isang dagat na puti ang buhangin at nagmamadaling tumakbo patungon sa isang kubo.

Sa wakas beach!!!!!!!!….

salamat sa larawan ni mamita at mga kuha ni edp

5 Responses to “Paggunita ng kaarawan ni Anne…. (ikalawang bahagi)”

  1. Anne O. Says:

    “Mira isa kang Racist Bastard”

    wahahahaha! walang patumangga!

  2. Anne O. Says:

    “Timog Luzon Mabilis na daanan”

    literal na translation ng SLEX! hahaha!

  3. ayos! di ako nakapunta pero para na rin akong nakasama…🙂

  4. Oo nga Ed hindi rin ako nakasama, ngunit dahil sa paglalahad ng ating kaibigan ating nalaman ang mga pangayayari sa kaarawan ni Anne.

  5. jo annie Says:

    magaling, magaling, magaling!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: